Ako ay ako, ikaw ay ikaw
Minsan ay naging tayo, bakit ngayon ako na lang
Minsang naniwala sa walang hanggan
Ngayon alam ko na ang hangganan ay nandyan lang
Minsan ako ang tama, madalas mas mali
Minsan malakas, mahina madalas
Minsan matapang, madalas ay duwag
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Minsan maginhawa, madalas pasakit
Minsan nakakatawa, mas madalas pighati
Minsan may tuwa, madalas ang lungkot
Marahil ang pangarap mo ay hindi nga ako
Matagal na nagtiis, ngayoy tapos na
Malaya ka na ng humanap ng ligaya
Sa akin ay patuloy ang paghihirap
Hayaan mo na, na akoy magisa
Alam natin na hindi ka na masaya
Dahil puro hirap ang iyong nadama
Bagamat mukang huli na sa ating istorya
May pagasa pa rin na ikaw ay lumigaya sa iba
Nakakalungkot na hindi ka kasama
Sa pagtanda at pagtanaw sa paglubog ng araw
Pero mas gugustuhin ko na, na ikaw ay sumaya
Nang makalimutan mo na ang hirap na nadama
Ngayon ay kailanman ay isang pangarap
Pangarap na mahirap palang malasap
Minsay may ginhawa, madalas ang hirap
Paano na nga kung nasadlak sa puro hirap
Patawad, sa lahat ng sakit at hirap
Patawad sa sakit at sama ng loob
Patawad at naging tayo sa mga nakaraang taon
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Ako ay ako na ngayon at ikaw ay ikaw na lang.
No comments:
Post a Comment