Isang araw sa paglalakad ni Juan ay nakapulot siya ng isang libong piso. Hindi sya makapaniwala sa napulot. Agad niya itong ibinulsa ng hindi na maagaw pa ng iba. Simula noong araw na yun wala na syang inatupag kundi maglakad ng payuko at umasa ng makakapulot uli na pera. Isang libo...isang libo..isang libo ang lagi nyang sambit. Walang tigil sa paglalakad ng nakayuko at pag- anas ng "isang libo, isang libo, isang libo". Patuloy syang naglakad ng payuko na hindi nya namalayan na hindi na nya napapansin ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya. Hindi na nya napapansin ang mga kaibigan na nagmamalasakit sa kanya. Hindi na rin nya kilala ang si Jesus na namatay sa para sa kanya. Nawalan na sya ng kapwa. Nasilaw na sya ng isang libong piso. Nalunod na si Juan sa isang basong tubig.
Dumating ang araw na marami na syang isang libong pisong nakita at naipon. Ang isang liboy naging dalawa, tatlo. Ang libo ay naging milyon. Subalit ang kanyang pamilya't kaibigan ay wala na. Nawala na dahil sa milyon.