Noong nag-aaral pa `ko tandang-tanda ko pa
Ang magsalita ng Tagalog ay pinagmumulta
Ito'y `pinagbawal, ako'y nagtataka
Pag
nag-ingles naman ako, sila'y natatawa.
Unang
saknong sa awit ni heber na pinamagatang Paaralan. Totoo nga ban a bawal
magsalita ng Filipino noong araw. Na kung ikaw magsasalita ng Tagalog ikaw ay
magmumulta.
Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng
dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa
pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay
kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang
pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa
mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika.
Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat
Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong
alpabetong Pilipino.
Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang
pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang
Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay
halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit
natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.
Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay
naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga
estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang
wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o
dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng
mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang
klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang
bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine
Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa
kanila ng sarili nating wikang pambansa.
Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang
Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa
pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay
ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng
masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan
ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman
at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang
kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na
wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa
agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring
katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi
rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia,
at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa
wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang
intelektwalisado sa ngayon.
Ayon kay
Dr. Ernesto Constantino kilalang linguista (1996), ang wika ang siyang
pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento,
maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na
pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang
tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito.
Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na
napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng
tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga
pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento
ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil
dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang
ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.
Gayumpaman,
ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba't
ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang
wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang
paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika
ay nakapagpapalimbag ng iba't ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at
iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng
Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga
lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na
ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong
gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang
larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya,
negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub
domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura.
Kadalasang
sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa
pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na
ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng
Seksyon 6:
"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba
pang mga wika sa Pilipinas."