Sunday, July 16, 2017

Ang Kabalintunaan Ng Ating Panahon (Tagalog version of The Paradox of Our Time by Bob Moorehead)



May malalaki tayong gusali, pero maliit na pasensya
Malapad na kalsada, pero makitid na pananaw sa buhay
Madalas gumastos, pero bihira mag impok
May malalaki bahay, pero maliit na pamilya

Mas maginhawa, pero salat sa oras
Mataas na pinagaralan ,pero walang kahulugan
Maraming kaalaman, pero hindi maayos na desisyon
Maraming eksperto, pero mas maraming problema
Maraming gamot, pero mas maraming may sakit

Maraming material na bagay, pero tayo mismong tao ay nawalan na ng halaga
Madalas magsalita, minsang magmahal at mas madalas magalit
Marunong maghanap buhay, pero hindi alam ang halaga ng buhay
Nagdadagdag tayo ng taon sa ting buhay, pero hindi buhay sa bawat taon

Nakarating tayo sa buwan at nakabalik
Pero nahihirapan pa rin tayo na tumawid sa kalsada para makipag kapwa tao
Nagtagumpay tayo sa labas ng mundo, pero bigo sa ating pangkaloobang bahagi
Sinubukan nating linisin ang hangin sa kapaligiran, pero nanatiling madumi ang ating kaluluwa
Nagawa nating hatiin ang atom, pero hindi ang ating maling palagay, yabang at ego

Mas malaki ang ating sweldo, pero maliit ang kagandahang  asal
Mas ginusto nating magkaroon ng marami, kaysa magkaroon ng kalidad
Ito ang panahon ng matataas na tao, pero maliit na pagkatao
Mataas na kita at tubo,  pero mababaw na relasyon

Panahon ng pang mundong kapayapaan, pero gulo at alitan sa sariling bansa
Maraming bakasyon, pero hindi lahat masaya
Maraming pagkain, pero hindi lahat may nutrisyon
Panahon na parehong mag asawa ang kumikita, pero mas maraming naghihiwalay

Magagarang bahay, pero sirang pamilya
Panahon na  marami ang nakadisplay sa labas ng tindahan, pero walang nakatabi sa loob
Panahon na nababasa mo ito sa iyong komputer o cellphone
At panahon para pumili
Kung  iintindihin mo o ipagbabalewala.



Ang sarap maging bata muli. Simple, mababaw at masaya. Puro laro at kasiyahan lang ang gusto. Walang negativity at stress sa buhay.  Marami ng pagbabago sa mundo. Pagbabago na nakatulong para gumanda ang buhay ng tao. Ngunit may pagbabago na nag dulot sa atin ng pagiging kumplikado sa buhay. Pagbabago na nagdulot sa atin na makalimutan ang pakikipag kapwa tao. Masyado tayo naapektuhan at nadala ng mga pagbabago at nakalimutan na nating maging TAO. Nakakalimutan na nating ienjoy ang buhay. Isa lang ito at hindi na pwede ulitin, mas maganda kung naging masaya tayo sa iisang buhay na ibinigay sa atin. Naging tao tayo at nakipagkapwa tao.

No comments:

Post a Comment