Sunday, July 16, 2017

Ikaw Ay Ikaw at Ako ay Ako


Bakit nga ba kailangan natin maging perpekto sa mata ng iba? Madalas kailangan natin gawin ang mga bagay na hindi naman natin palaging ginagawa para lang masatisfy ang gusto ng iba. Kailangan natin maipakita sa kanila na kaya nating gawin ang mga bagay na hiniling nila. Maganda sana kung talaga naming kaya nating ibigay. Ang malaking problema ay yung lampasan natin yung kapabilidad natin para lang maibigay ang gusto ng iba. Mahirap magsaibang anyo na tayo para lang makuha ang bagay na hindi naman abot ng ating kakayanan. Sa isang banda ay maganda dahil nagsisikap tayo at pinipilit nating lampasan ang ating kakayanan. Gumagawa tayo ng  paraan para magsikap pa at itaas ang ating ambisyon o mithiin sa buhay. Pero sa mga bagay na ikatutuwa lang ng iba o para magpapogi lang sa iba ay parang ibang usapan na. Ang pangarap ko ay sa akin at pangarap mo ay sa iyo.

Kailangan nga bang gawin ko ang gusto mo para maituring mo kong kaibigan? Kailangan bang abutin ko ang mga bagay na hindi ko naman gusto pero ikakatuwa mo? Kailangan ko bang sumangayon sa gusto mo para masabi mong karapat dapat ako? Kailangan ko bang gawin ang mga bagay na hindi ko kaya para lang magbayad ng utang na loob sa iyo?

Sa tingin ko ay hindi dahil may sarili akong pagiisip at kakayahan. Meron akong kayang gawin at gagawin pero yun ay dahil sa gusto ko at hindi dahil sayo o sa utang na loob ko. May gusto akong abutin na gusto ko at hindi dahil sa utos mo. May kanya kanya na tayong buhay. Ginagalang kita at sana naman galangin mo rin ako. May utang na loob ako, salamat at hindi ko kailanman makakalimutan ito, pero kailangan bang ipaalala  mo sa bawat kilos ko. Sana naman maisip mo na Ikaw ay ikaw at ako ay ako.

Ang Kabalintunaan Ng Ating Panahon (Tagalog version of The Paradox of Our Time by Bob Moorehead)



May malalaki tayong gusali, pero maliit na pasensya
Malapad na kalsada, pero makitid na pananaw sa buhay
Madalas gumastos, pero bihira mag impok
May malalaki bahay, pero maliit na pamilya

Mas maginhawa, pero salat sa oras
Mataas na pinagaralan ,pero walang kahulugan
Maraming kaalaman, pero hindi maayos na desisyon
Maraming eksperto, pero mas maraming problema
Maraming gamot, pero mas maraming may sakit

Maraming material na bagay, pero tayo mismong tao ay nawalan na ng halaga
Madalas magsalita, minsang magmahal at mas madalas magalit
Marunong maghanap buhay, pero hindi alam ang halaga ng buhay
Nagdadagdag tayo ng taon sa ting buhay, pero hindi buhay sa bawat taon

Nakarating tayo sa buwan at nakabalik
Pero nahihirapan pa rin tayo na tumawid sa kalsada para makipag kapwa tao
Nagtagumpay tayo sa labas ng mundo, pero bigo sa ating pangkaloobang bahagi
Sinubukan nating linisin ang hangin sa kapaligiran, pero nanatiling madumi ang ating kaluluwa
Nagawa nating hatiin ang atom, pero hindi ang ating maling palagay, yabang at ego

Mas malaki ang ating sweldo, pero maliit ang kagandahang  asal
Mas ginusto nating magkaroon ng marami, kaysa magkaroon ng kalidad
Ito ang panahon ng matataas na tao, pero maliit na pagkatao
Mataas na kita at tubo,  pero mababaw na relasyon

Panahon ng pang mundong kapayapaan, pero gulo at alitan sa sariling bansa
Maraming bakasyon, pero hindi lahat masaya
Maraming pagkain, pero hindi lahat may nutrisyon
Panahon na parehong mag asawa ang kumikita, pero mas maraming naghihiwalay

Magagarang bahay, pero sirang pamilya
Panahon na  marami ang nakadisplay sa labas ng tindahan, pero walang nakatabi sa loob
Panahon na nababasa mo ito sa iyong komputer o cellphone
At panahon para pumili
Kung  iintindihin mo o ipagbabalewala.



Ang sarap maging bata muli. Simple, mababaw at masaya. Puro laro at kasiyahan lang ang gusto. Walang negativity at stress sa buhay.  Marami ng pagbabago sa mundo. Pagbabago na nakatulong para gumanda ang buhay ng tao. Ngunit may pagbabago na nag dulot sa atin ng pagiging kumplikado sa buhay. Pagbabago na nagdulot sa atin na makalimutan ang pakikipag kapwa tao. Masyado tayo naapektuhan at nadala ng mga pagbabago at nakalimutan na nating maging TAO. Nakakalimutan na nating ienjoy ang buhay. Isa lang ito at hindi na pwede ulitin, mas maganda kung naging masaya tayo sa iisang buhay na ibinigay sa atin. Naging tao tayo at nakipagkapwa tao.

Minsan ay naging tayo, Bakit ngayon ako na lang

Ako ay ako, ikaw ay ikaw
Minsan ay naging tayo, bakit ngayon ako na lang
Minsang naniwala sa walang hanggan
Ngayon alam ko na ang hangganan ay nandyan lang

Minsan ako ang tama, madalas mas mali
Minsan malakas, mahina madalas
Minsan matapang, madalas ay duwag
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang

Minsan maginhawa, madalas pasakit
Minsan nakakatawa, mas madalas pighati
Minsan may tuwa, madalas ang lungkot
Marahil ang pangarap mo ay hindi nga ako

Matagal na nagtiis, ngayoy tapos na
Malaya ka na ng humanap ng ligaya
Sa akin ay patuloy ang paghihirap
Hayaan mo na, na akoy magisa

Alam natin na hindi ka na masaya
Dahil puro hirap ang iyong nadama
Bagamat mukang huli na sa ating istorya
May pagasa pa rin na ikaw ay lumigaya sa iba

Nakakalungkot na hindi ka kasama
Sa pagtanda at pagtanaw sa paglubog ng araw
Pero mas gugustuhin ko na, na ikaw ay sumaya
Nang makalimutan mo na ang hirap na nadama

Ngayon ay kailanman ay isang pangarap
Pangarap na mahirap palang malasap
Minsay may ginhawa, madalas ang hirap
Paano na nga kung nasadlak sa puro hirap

Patawad, sa lahat ng sakit at hirap
Patawad sa sakit at sama ng loob
Patawad at naging tayo sa mga nakaraang taon

Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Ako ay ako na ngayon at ikaw ay ikaw na lang.