Take someone or something for granted
1. to expect someone or something to be always available to serve in some way without thanks or recognition;
2. to value someone or something too lightly.
Pagwawalang bahala o pagwalang importansya sa isang bagay o tao. Minsan sa pag aakala natin na ang isang bagay o tao ay lagi lang sa ating tabi o lagi lang natin makukuha o makakasama, nakakalimutan natin silang bigyang halaga. Nakakalimutan nating pasalamatan o bigyan ng karampatang importansya ang kanilang pagiging tapat sa atin. Nakakalimutan nating bigyan nang angkop na gantimpala o rekognisyon ang kanilang katapatan. Ito ay maiiuugnay sa kasabihang English na "One day you’ll realize you lost a diamond while too busy collecting stones". Madalas mangyari sa buhay natin na nasa huli ang pagsisisi. Isang beses lang tayo daraan sa mundong ito kaya kung meron kang dapat pasalamatan o itangi sa kanilang pagiging tapat at pagiging lagi nating maaasahan ay dapat gawin na natin ngayon. Baka dumating ang panahon wala na sila at hindi na natin maibabalik ang kahapon. Ang tanong ay napahalagahan ba natin ang pag aaruga at pagiging tapat ng ating magulang, ng ating asawa, ng ating mga anak, ng ating kaibigan. Na appreciate na ba natin sila, sana naman hindi pa huli at hindi pa natin sila na ta take for granted.
No comments:
Post a Comment