Wednesday, November 30, 2011

Procrastinate

Procrastinate, Procrastinator, Procrastination:
1. To delay; to be dilatory.
2. To put off till to-morrow, or from day to day; to defer; to postpone; to delay;


Isang hindi magandang ugali ng tao lalo na ng Filipino na kung saan napagwawalang bahala nya ang isang bagay at ito ay nakakaligtaan o hindi nagagawang tapusin. Ito ay pwedeng sinadya o hindi sinadya na gusto nyang mangyari subalit nangyari dahil sa kanyang pagpapabukas. Samakatuwid ang Procrastinate ay isang ugaling pwedeng kontrolin o labanan kung aayusin ng tao ang kanyang oras at priorities. Kailangan nyang ayusin ang kanyang time management upang hindi mawalang bahala ang mga bagay na kung saan marami rin ang umaasa.Ito ay tinawag na ring mañaña habit salitang galing sa wikang Español na ang ibig sabihin ay bukas o tomorrow. Ang salitang mañaña o mamaya na ay nagpapahiwatig na gusto nating ipagpaliban o ipagpabukas ang gawain na kung saan pwede namang tapusin sa ngayon. Isang hindi magandang ugali na mas maganda kung ito ay ating aayusin at babaguhin para sa kapakinabangan ng ating sarili.

No comments:

Post a Comment