Monday, May 7, 2018

Ako ay Dahon


Tulad ng isang dahon tayo ay sisibol
Yayabong at ipagmamalaki ang luntiang kulay
Sa pagaspas ng hangin , tayo ay sumasabay
Lalaban sa pagsubok at hindi bibigay
Sinisilungan sa araw, ganun man sa tag-ulan
Pahingahan pag napagod o pag nalulumbay
Tulad ng dahon, tayo rin ay  may hanganan
Malalanta rin ating luntiang kulay
Pagkakapit sa sanga’y tuluyan ng ibibitaw
Ang tuyo at lipas ng dahon sa lupa na ngay hihimlay
Kakalat sa paligid at wala ng saysay
Paano nga ba naalala ang ating buhay
Noong bang  tayo’y luntian pa at may pakinabang
O ng tayo ay tuyo't na at nakakalat na lamang
Panalangin ko sana tulad ng isang dahon
Tayo'y maalala hindi lang sa pagsibol o pagpanaw
Bagkos kung paano tayo ay lumaban
Lumaban at nakisabay sa hamon ng buhay.

Wednesday, December 27, 2017

Forever

Forever, sarap pakingan sa nagmamahalan
Pangmatagalan at walang iwanan
Pangakong walang bitawan
Sumpaang hanggang kamatayan

Forever, ang bigkas ng nagmamahalan
Wala daw kakalas,  sa araw o ulan
Sa hirap man o kaginhawahan
Ngayon man hanggang magpakailanman

Forever, ang bulong habang magkapit kamay
Ang isat- isay hindi bibitawan
Dahil walang makakapigil sa pagiibigan
Ipaglalaban kahit kay kamatayan

Forever, di bat iniukit pa sa puno na ating tagpuaan
Tanda ng ating sumpaan, sagisag ng pagiibigan
O kay gandang balikan, alaalang nagdaan
Sa ngayon'y mapapangiti ka na lang

Forever, ano nga bang nangyarit naging whatever
Sino nga bang nagkamali't sinong nag crossover
Sino nga bang bimitaw, tumalikod at nakalimot
Sino nga ba ang nagbigay at naging madamot

Forever, pangako noong pero ngayoy nga nga
Pagkat ikaw ay mayroon ng iba
Forever natin ay wala palang kwenta
Sa magandang alaala na lang magkakasya

Tuesday, November 14, 2017

Panaghoy

Salamat sa mga salitang masarap pakingan
At mga pangakong masarap panghawakan
Salamat sa iyong yakap at halik
At sa mga oras na iyong inilagi

Salamat sa pagpapatawad ng aking kasalanan
At pagsisisi naman sa iyong kamalian
Salamat sa walang hanggang paalam
At pagsasabing ayaw mo akong mawalay

Salamat sa pagibig na walang hanggan
At sa luhang animoy walang katapusan
Salamat sa lahat, ngunit bakit ngayon lang
Ngayong akoy tuluyan ng lumisan

Friday, September 8, 2017

Tadhana

Nasaan ka na nga ba aking tadhana
Laging kong panalangin sa ating Bathala
Na ikay maramdaman at makasama
Sa lalong madaling panahon dumating ka na sana

Sa panaginip ikaw ay abot kamay
Puro saya't walang lumbay
Walang katapusang pagmamahalan
Ngunit pag gising lahat kabaligtaran

Aking tadhana sino ka nga ba
Hanggang ngayoy palaisipan ka
Ikaw ba ang kahapon, ngayon o bukas
Ikaw ba ang umaga, hating gabi o wakas

Sa kape ko bay ikaw ang aking asukal
O palaman sa aking mainit na tinapay
Ikaw ba ang puto sa aking dinuguan
O tuyo sa champoradong paboritong lantakan

Ikaw ba ang payong sa twing tagulan
O masarap ng sorbetes sa init ng tagaraw
Ikaw ba ang kumot na aakap sa pagtulog
O sasagip sa kin pag akoy nalulunod

Tadhana maging sino ka man
Palagay koy mahihirapan pa akong malaman
Pagkat hinahanap koy kagustuhan ko lang
Pansariling interes na ako lang ang masisiyahan

Tadhana kung ikaw may ay darating na
Panalangin ko akoy handa na
Handa nang magmahal ng walang kapalit
Walang kasunduan at hindi mamimilit
At kung ikaw na nga ang makakasama
Gagawin kong tayoy laging masaya
Umagat gabi, hanggat tayoy lumisan na




Friday, August 18, 2017

Ang Dami Mong Alam

Nakakatawa ka naman, ang dami mong alam
And dami mong sinasabi na ikaw lang ang may alam
Tahi-tahing kwento, karamihan walang kwenta
Kasiraan ng iba, para ikaw ang maging bida

Ano nga ba ang kwento mo tungkol sa utang ni kwan
Na kahit anong singil mo ay tinataguan ka na lang
Bakit sa iba, ang kwento ay iba naman
Si kwan at ikaw pala ay iisa lang

Sabi mo pa para ng  barangay ang iyong binuhay
Sa padala mo para kay Tatay at Nanay
Bilib na sana ko, ngunit aking nalaman
Dalawang kiyaw-sang buwan, yan ba ay pambuhay

Dami mong niyabang, pinagmalaking nalalaman
Malaking kumpanya, trabahong pang bigtime
Pero bakit mukang sa yabang lang
Kasi sabi nila, mas madalas tambay ka naman

Ang dami mong alam tungkol sa iba
Dami mong kwento na pang alispusta
Pero ang sarili mo kakilala mo ba
Ang bahong nangangamoy alam ba nila

Sige na ngat, bilin ko ng ang iyong yabang
Marami kang pera at ari-ariang pang mayaman
Pero aanhin ang maraming yaman
Kung ang ugali moy isusuka ninuman.

-oscarmendel



Sunday, July 16, 2017

Ikaw Ay Ikaw at Ako ay Ako


Bakit nga ba kailangan natin maging perpekto sa mata ng iba? Madalas kailangan natin gawin ang mga bagay na hindi naman natin palaging ginagawa para lang masatisfy ang gusto ng iba. Kailangan natin maipakita sa kanila na kaya nating gawin ang mga bagay na hiniling nila. Maganda sana kung talaga naming kaya nating ibigay. Ang malaking problema ay yung lampasan natin yung kapabilidad natin para lang maibigay ang gusto ng iba. Mahirap magsaibang anyo na tayo para lang makuha ang bagay na hindi naman abot ng ating kakayanan. Sa isang banda ay maganda dahil nagsisikap tayo at pinipilit nating lampasan ang ating kakayanan. Gumagawa tayo ng  paraan para magsikap pa at itaas ang ating ambisyon o mithiin sa buhay. Pero sa mga bagay na ikatutuwa lang ng iba o para magpapogi lang sa iba ay parang ibang usapan na. Ang pangarap ko ay sa akin at pangarap mo ay sa iyo.

Kailangan nga bang gawin ko ang gusto mo para maituring mo kong kaibigan? Kailangan bang abutin ko ang mga bagay na hindi ko naman gusto pero ikakatuwa mo? Kailangan ko bang sumangayon sa gusto mo para masabi mong karapat dapat ako? Kailangan ko bang gawin ang mga bagay na hindi ko kaya para lang magbayad ng utang na loob sa iyo?

Sa tingin ko ay hindi dahil may sarili akong pagiisip at kakayahan. Meron akong kayang gawin at gagawin pero yun ay dahil sa gusto ko at hindi dahil sayo o sa utang na loob ko. May gusto akong abutin na gusto ko at hindi dahil sa utos mo. May kanya kanya na tayong buhay. Ginagalang kita at sana naman galangin mo rin ako. May utang na loob ako, salamat at hindi ko kailanman makakalimutan ito, pero kailangan bang ipaalala  mo sa bawat kilos ko. Sana naman maisip mo na Ikaw ay ikaw at ako ay ako.

Ang Kabalintunaan Ng Ating Panahon (Tagalog version of The Paradox of Our Time by Bob Moorehead)



May malalaki tayong gusali, pero maliit na pasensya
Malapad na kalsada, pero makitid na pananaw sa buhay
Madalas gumastos, pero bihira mag impok
May malalaki bahay, pero maliit na pamilya

Mas maginhawa, pero salat sa oras
Mataas na pinagaralan ,pero walang kahulugan
Maraming kaalaman, pero hindi maayos na desisyon
Maraming eksperto, pero mas maraming problema
Maraming gamot, pero mas maraming may sakit

Maraming material na bagay, pero tayo mismong tao ay nawalan na ng halaga
Madalas magsalita, minsang magmahal at mas madalas magalit
Marunong maghanap buhay, pero hindi alam ang halaga ng buhay
Nagdadagdag tayo ng taon sa ting buhay, pero hindi buhay sa bawat taon

Nakarating tayo sa buwan at nakabalik
Pero nahihirapan pa rin tayo na tumawid sa kalsada para makipag kapwa tao
Nagtagumpay tayo sa labas ng mundo, pero bigo sa ating pangkaloobang bahagi
Sinubukan nating linisin ang hangin sa kapaligiran, pero nanatiling madumi ang ating kaluluwa
Nagawa nating hatiin ang atom, pero hindi ang ating maling palagay, yabang at ego

Mas malaki ang ating sweldo, pero maliit ang kagandahang  asal
Mas ginusto nating magkaroon ng marami, kaysa magkaroon ng kalidad
Ito ang panahon ng matataas na tao, pero maliit na pagkatao
Mataas na kita at tubo,  pero mababaw na relasyon

Panahon ng pang mundong kapayapaan, pero gulo at alitan sa sariling bansa
Maraming bakasyon, pero hindi lahat masaya
Maraming pagkain, pero hindi lahat may nutrisyon
Panahon na parehong mag asawa ang kumikita, pero mas maraming naghihiwalay

Magagarang bahay, pero sirang pamilya
Panahon na  marami ang nakadisplay sa labas ng tindahan, pero walang nakatabi sa loob
Panahon na nababasa mo ito sa iyong komputer o cellphone
At panahon para pumili
Kung  iintindihin mo o ipagbabalewala.



Ang sarap maging bata muli. Simple, mababaw at masaya. Puro laro at kasiyahan lang ang gusto. Walang negativity at stress sa buhay.  Marami ng pagbabago sa mundo. Pagbabago na nakatulong para gumanda ang buhay ng tao. Ngunit may pagbabago na nag dulot sa atin ng pagiging kumplikado sa buhay. Pagbabago na nagdulot sa atin na makalimutan ang pakikipag kapwa tao. Masyado tayo naapektuhan at nadala ng mga pagbabago at nakalimutan na nating maging TAO. Nakakalimutan na nating ienjoy ang buhay. Isa lang ito at hindi na pwede ulitin, mas maganda kung naging masaya tayo sa iisang buhay na ibinigay sa atin. Naging tao tayo at nakipagkapwa tao.

Minsan ay naging tayo, Bakit ngayon ako na lang

Ako ay ako, ikaw ay ikaw
Minsan ay naging tayo, bakit ngayon ako na lang
Minsang naniwala sa walang hanggan
Ngayon alam ko na ang hangganan ay nandyan lang

Minsan ako ang tama, madalas mas mali
Minsan malakas, mahina madalas
Minsan matapang, madalas ay duwag
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang

Minsan maginhawa, madalas pasakit
Minsan nakakatawa, mas madalas pighati
Minsan may tuwa, madalas ang lungkot
Marahil ang pangarap mo ay hindi nga ako

Matagal na nagtiis, ngayoy tapos na
Malaya ka na ng humanap ng ligaya
Sa akin ay patuloy ang paghihirap
Hayaan mo na, na akoy magisa

Alam natin na hindi ka na masaya
Dahil puro hirap ang iyong nadama
Bagamat mukang huli na sa ating istorya
May pagasa pa rin na ikaw ay lumigaya sa iba

Nakakalungkot na hindi ka kasama
Sa pagtanda at pagtanaw sa paglubog ng araw
Pero mas gugustuhin ko na, na ikaw ay sumaya
Nang makalimutan mo na ang hirap na nadama

Ngayon ay kailanman ay isang pangarap
Pangarap na mahirap palang malasap
Minsay may ginhawa, madalas ang hirap
Paano na nga kung nasadlak sa puro hirap

Patawad, sa lahat ng sakit at hirap
Patawad sa sakit at sama ng loob
Patawad at naging tayo sa mga nakaraang taon

Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Ako ay ako na ngayon at ikaw ay ikaw na lang.



Monday, October 20, 2014

Knock Down pero hindi Knock Out!

Noong bata pa ako pag nanonood ako ng boxing at narinig ko yung salitang knock down o knock out, tingin ko pareho lang. Parehong ibig sabihin ay talo yung bumagsak. Pero iba ang sabi ng Tatay ko.

Sabi ng Tatay ko, malaki daw kaibahan noong dalawang salita na yun. Pag daw sinabing knock down yan daw yung sitwasyon kung saan tinamaan ng suntok yung boksingero at bumagsak sa sahig. Pag daw na knock down, pwede pa daw  tumayo at lumaban uli. Meron daw mandatory eight counts pero kung nakabangon ka at hindi ka naman hilo, pwede pa uling lumaban.

Pag naman daw sinabing knock out, yan daw yung tinamaan ng suntok, bumagsak at hindi na nakabangon pa. Maaring nakabangon at nakatayo bago mag eight counts pero hilo pa rin at hindi na pwedeng lumaban. Ibig sabihin pag knock out, tapos na ang laban.

Sabi pa ng Tatay ko, pwede nga daw mangyari na kung sa twelve rounds, sa buong eleven rounds puro knock down nangyari sayo, pero pang twelve round na knock out mo naman kalaban mo. Suma tutal- ikaw pa mananalo.

Ganyan daw ang buhay sabi ng Tatay ko. Maraming mga pagsubok na darating sa atin. Mga sitwasyon na akala natin wala ng solusyon at katapusan. Mga paghihirap na sumusubok sa katatagan ng pagkatao natin. Madalas marami tayong mga knock downs sa buhay. Ang mahalaga daw ay yung babangon tayo sa mga knock downs na ito.

Pwede naman daw tayo mamili; pag daw tinamaan tayo at na knock down pwede na daw tayo hindi tumayo. Huwag na tayo lumaban, at patalo na lang. Pag kasi pinagpatuloy natin ang laban baka masaktan pa uli tayo. Masakit masuntok uli kaya pag nasaktan tayo at bumagsak, wag na tayo lumaban pa- pa knock out na lang tayo.

O piliing tumayo at lumaban uli. Harapin na sa ating muling paglaban ay maaring ma knock down uli. Ganun pa man ay hindi takot at buo ang loob. Ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban at hindi nagpa knock out.

Ang mahalaga daw ay yung buo ang loob natin na lumaban at harapin ang lahat. Ang mahalaga daw ay yung matibay ang paniniwala natin sa Panginoon. Dahil kung ang buong buhay daw natin ay ipapaubaya natin sa Panginoon, sooner or later daw maina-knock out pa natin mga problema natin sa buhay. Darating ang oras sugatan man sa laban, tayo pa rin ang tatayong panalo. Iyan ang sabi ng Tatay ko.

Saturday, October 18, 2014

Ang aking pinakatatakutan. (My Deepest Fear)

Papasok sa opisina. Nakasakay ako sa aking Honda Beat 110cc. Mabagal pero tuloy-tuloy naman ang traffic. Tumatakbo ako ng 20 to 40 kph. Mabagal na minsan bibilis. Hanggang sa marating ko ang Quirino Highway papuntang Balintawak. Balintawak tapos papuntang EDSA kung saan nanduon ang aking pupuntahan. Malapit na ko sa EDSA at medyo maluwag na, pwede ng biritin ang takbo ng motor. May nakasabay akong nakamotor rin- Raider 150cc yung sinasakyan nya. Di hamak na mabilis kesa sa akin. Bahala na pero sa luwag ng kalsada kaya ko na tong karerahin, kahit alam ko matatalo ako sa pabilisan. At ayun na nga, binirit na nya motor nyaBibirahin ko na rin ang gas. 40...45....50...60...65....80kph. Teka nasan na sya? Hala naiwan na ang Raider, teka bakit? 150cc iyon a, ano ang nangyari?

Hindi pala sa bilis ng motor at hindi sa nagmamaneho ng motor. Hindi ko sinasabing magaling ako o mabilis ako magpaandar ng motor. Mas lalong hindi mabilis ang scooter ko na 110cc kontra sa Raider na 150cc. Ang dahilan pala ay yung kung paano mo itulak yung kakayanan mo. Aanhin mo nga namin mabilis na motor kung mabagal ka naman magpaandar. Aanhin mo talino mo kung di mo nagagamit sa mabuting bagay. Aanhin mo yaman mo kung madamot ka naman. May mga bagay na meron tayo na sana pinagbubuti na lang natin at ginagamit ng wasto para makatulong tayo sa iba. May mga bagay na binigay ang Diyos na sana ginagamit natin sa kabutihan at hindi pansarili lang. 

At minsan natatakot tayo na ipush ang sarili natin na gawin ang dapat dahil natatakot tayo na malagpasan natin ang ating kakayanan. Iniisip natin na hanggang dito lang kaya natin kaya hanggang dito lang gagawin natin. Sabi nga nila ang tunay na kinatatakutan natin ay hindi kung ano ang hindi natin kayang gawin. Ang pinakakatakutan natin ay yung malagpasan natin ang ating kakayanan.

Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness that most frightens us. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? You are a child of God. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine, as children do. We were born to make manifest the glory of God that is within us. It's not just in some of us; it's in everyone. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. by Marianne Williamson from her book, A Return To Love.