Sunday, December 18, 2011

Pamahalaang Oligarkiya

Ang Pamahalaang Oligarkiya ay isang uri ng gobyerno. Sa pamahalaang ito, ang lahat ng kapangyarihan ay hawak ng maliit na grupo ng tao o kung tawagin ay one party rule. Ito ay madalas pinamumunuan ng mga pinakamakapangyarihang tao para pamunuan ang bansa. Ito rin ay nagtataglay ng kapangyarihan na bumalangkas ng pamahalaan at magbawal sa ibang partido na makilahok sa eleksyon.

Sa kasaysayan, maraming mga oligarkiya ay nagbigay ng kapangyarihang pampulitika sa isang pangkat ng minoridad, na minsan ay nagtatalo na ito ay isang kamaharlikaan ("samahan mula sa 'pinakamayaman' at 'pinakamatalino'"). Ang ganung mga estado ay karaniwang kontrolado ng mga makapangyarihang pamilya kung saan ang kanilang mga anak ay ipinalaki at ipinatnubay upang mgaging mga tagapagmana ng kapangyarihan ng oligarkiya. Gayunpaman, ang kapangyarihang ito ay hindi rin maaaring gamitin nang bukas, kung saan ginugusto ng mga oligarko na panatilihin "ang kapangyarihan sa likod ng trono", kung saan gumagamit sila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga paraang pangkabuhayan.


Tumataas na bilihin. Maraming walang trabaho at kulang ang kinikita. Mayaman ang lalong yumayaman. Ang mahirap lalong hihirap. Ang mahihirap lalong nagiging mangmang at naging salat sa edukasyon dahil pinabayaan na ng gobyerno. Mga batas na paa lamang sa iilang mayayaman gaya ng Oil Deregulation Law at Contractual Employement. Malaking Tax Evader na hindi makasukasuhan gaya ni Lucio Tan. Samantalang pag nagwork ka, kaltas agad sa sahod mo ang income tax.

Dahil hindi sapat ang trabaho sa bansa, dahil sa 1987 constitution ni Dating Pangulong Cory Aquino, hindi makaporma ang mga foreign investor dito sa bansa. Kaya ayun konti ang trabaho. Bakit? Magkakaroon kasi ng kakumpetensiya ang iilang WEALTHY FAMILIES dito sa atin.

No choice, kaya magtatrabaho na lang sa ibang bansa. Ang masakit kahit sa ganung aspeto nakikinabang pa rin sa remittances nila yung mga Wealthy Families gaya nila Lopez, Cojuangco-Aquino, Zobel de Ayala at iba bang mga takas galing sa China na mga business taycon ngayon gaya nila Lucio Tan, Henry Sy, John Gokongwei. Isama mo na rin yung may-ari ngayon ng Maynilad, Meralco, TV5, PLDT at Smart na si Pangilinan.


Yan ang pinapangalagaan ni Pnoy. Yan ang dahilan bakit sya nasa pwesto. Para mamuno at mamayani ang oligarkiya. Mamuno ang mga iilang pamilya na mayayaman. Nga pala si Pnoy ay hindi nanalo dahil majority ng Pilipino ay bumoto sa kanya, nanalo sya kasi madami ang bumoto sa kanya kumparasa ibang kandidato. Madami doesn’t mean majority bagkos, ang madami ay lamang sa kaunti. Maraming mayayaman ang bumoto sa kanya, maraming empleyado ng korporasyon ang bumoto sa kanya, maraming nabayaran ang mayayaman para bumoto sa kanya, maraming artista ang bumoto sa kanya, maraming fans na naloko si kris na bumoto sa kanya. Pero hindi sila ang majority ng Pilipino. Ang tunay na Pilipino ay yung naghahangad ng pagbabago at kaunlaran ng Pilipinas. Yung naghahangad ng Pangulo na ang tanging nais ay umasenso ang bawat isa at hindi lang ang mga kamaganakan nya.

Wala ng natirang opurtunidad para sa ordinaryong pilipino dito sa atin. Kawawa naman ang Pilipino.

Tuesday, December 13, 2011

Balimbing- Two- faced, Turncoat

In English-speaking countries like the United States, it is called carambola. In India, where it is native, the fruit is called kamranga or kamrakh. The Chinese are said to call the fruit yongl ‘o or foreign patch. In Vietnam, it is called khe, khe ta, or similar terms; in Kampuchea, spu; in Laos, nak fuang; in Thailand, ma fueang. But scientifically, it is called Averrhoa carambola. Like other fruits, balimbing is also a medicinal plant. Among older people and in rural areas, crushed shoots or leaves are used externally for headaches and ringworm. Boiled flowers are used to expel worms. The dried fruit or juice is used for fevers. In India, the ripe fruit is used to stop hemorrhages. Health experts consider balimbing as one of the “superfruits” as it is rich in antioxidants, vitamins B and C, potassium, and iron. It is low in sugar, sodium, and calcium. In addition, balimbing is a potent source of both primary and secondary polyphenolic antioxidants.


In Philippine politics, Balimbing is a turncoat or two faced person. The term originated from the stunning fruit whose shape has five angles or points. If you slice the fruit, however, a cross-section looks like a star which is why it is sometimes called the star fruit.

Two-faced - marked by deliberate deceptiveness especially by pretending one set of feelings and acting under the influence of another; double-dealing, double-tongued, duplicitous, Janus-faced, double-faced, ambidextrous, deceitful, dishonest, dishonorable - deceptive or fraudulent; disposed to cheat or defraud or deceive.

Turncoat is a person who shifts allegiance from one loyalty or ideal to another, betraying or deserting an original cause by switching to the opposing side or party. In political and social history, this is distinct from being a traitor.


Actually hindi lang sa pulitika may balimbing dahil naglipana sila sa society na ating ginagalawan. Meron balimbing na kamaganak, kaibigan, kaiskwela, kasamahan sa organisasyon at syempre katrabaho. Sila yung may multiple o dual identity na paiba- iba ang pinapanigan. Sila yung walang sariling desisyon para sa sarili. Sila yung pumapanig sa gusto ng nakakarami at hindi sa kagustuhan nya. Hindi sya naniniwala sa tama o mali kundi kung saan may mapapakinabangan doon sya papanig. Nakabatay sya sa iba at kung ano mapapala nya. Wala syang sariling paninindigan. Ang problema paiba iba ang gusto nyang panigan. Paiba- iba ang kanyang pinapakinggan. Maraming ganyan, pag kaharap ka pumapanig sayo pero pagtalikod mo sa iba na nakapanig. Ang mga Balimbing, turncoat o two- faced ang mga walang sariling bait at nasisiyahan sa pansariling kapakinabangan at sabisabi. Madali silang mabili dahil mababaw ang kanilang kasiyahan. Ang masakit- kaibigan mo sya ngayon pero pagtalikod mo sya namang magtatarak ng patalim sa likod mo. HIndi mo sya pwede pagtiwalaan dahil babaliktad sya pag may pagkakataon. Kaya silang makuha anytime, dahil sila ay mukang pera. Sila ay mga taong sampay bakod...dahil hilig nilang sumampay sa ibat ibang bakuran kung saan meron sila mapapakinabangan. Ingat ka baka katabi mo ay isa ring balimbing.

"Ang iyong mga pagbibida
Talaga namang nakakahalina
Kahit marami sa iyong kwento
Hindi naman totoo
sayang ang iyong pagdrowing
Dahil ikaw palay balimbing!"

Tuesday, December 6, 2011

Aral Mula sa Kawan ng Gansa (Goose)

Nakakatuwang pagmasdan ang kawan ng Gansa na lumilipad sa himpapawid. Lumilipad sila ng isang kawan, magkakasama at magkakaagapay. Habang ikinakampay nila ang kanilang pakpak lumilikha sila ng pwersa para paunlarin at palawigin ang paglipad ng mga kasamang gansa. Sa pamamagitan ng paglipad ng kawan at pagbuo ng V formation, ang buong kawan ay nagdaragdag ng 71 porsyento higit sa paglipad kumpara sa isang gansa o ibon na lumilipad ng mag-isa. Tulad ng kawan ng Gansa kung magkakaroon lamang tayo ng iisang direksyon at pagkakaisa maaaari nating marating ang ating patutunguhan ng mas mabilis at madali dahil sa pagtitiwala sa lakas at kakayanan ng bawat isa.


Kung sakaling ang isang Gansa ay mawawala sa V formation, makakaramdam sya ng panghihina dahil sa paglipad magisa kaya pipilitin nyang bumalik sa kawan ng mga Gansa na naka V formation. Kung magagaya natin ang ugaling ito ng mga Gansa, pipilitin nating sumama sa mga taong may direksyon at alam ang patutunguhan. Handang magbigay o makibahagi ng ating talino at lakas para sa iisang patutunguhan at tagumpay.

Kung ang nauunang Gansa ay napagod sa pagiging giya o lider, aalis sya sa pwesto sa unahan at may papalit na Gansa sa kanya upang akuin ang kanyang pwesto. Ito ang magsisilbing bagong giya o lider na nasa unahan. Kung ang bawat ay isa ay may malasakit at handang umako ng responsibilidad, mas magiging madali ang ating mga gawain. Sa kabilang dako ang mga Gansa na nasa V formation lalo na yung nasa bandang hulihan ay nagbibigay mensahe pampalakas loob sa pamamagitan ng pag quack quack. Katulad ng Gansa ganun rin ang tao. Subalit sana kung tayo ay magsasalita ito ay makakatulong at makakapagpalakas ng loob.

Kung ang isang Gansa ay nagkasakit o nasugatan, dalawang Gansa ang aalis sa V formation at susundan ang nadisgrasyang Gansa. Sasamahan nila ito sa ibaba hanggang ito ay gumaling o tuluyan ng mamatay. Dito pa lang aalis ang dalawang Gansa para bumalik sa inalisang V formation o gumawa ng ibang V formation kung sakaling hindi na nila mahabol ang nauna. Gayahin sana natin ang ugaling ito ng mga Gansa. Samahan at damayan ang ating kapwa na nasa hindi magandang kalagayan. Katulad ng pagsama natin sa kanila sa magagandang panahon at kalagayan. Panatilihin natin ang pagkakaisa o teamwork tulad ng mga Gansa na nasa V formation. Dumamay tayo sa ating kapwa na nangangailangan.


Ang pinakamagandang tagumpay ay hindi napagtatagumpayan ng iisang tao lamang kundi ng samahan o grupo ng tao na may magandang pananaw sa buhay, may pagmamalasakit, handang magsakripisyo, at handang magbahagi ng talino at lakas. Sila yung mga taong nagkakaisa sa iisang direksyon at isang adhikain sa buhay. Na hindi iniisip ang pansarili lamang kundi ang makakabuti para sa lahat.

Monday, December 5, 2011

Ang Guya at Ang Balon

Minsan may isang Guya (batang baka) na naglalaro malapit sa isang balon. Sa paglalaro ng Guya ay nahulog sya sa isang malalim na balon na nooy nakakaranas na ng pagkatuyo o paghina ng balong ng tubig. Kalahating katawan ng Guya ay nakalubog sa tubig. Alam nya na sa pagkakataong iyon na malabo na syang makaahon kung sa pansariling kakayahan lamang ang paraan. Sinubukan nyang humingi ng saklolo at baka marinig sya ng kanyang amo. Umunga sya ng umunga. Agad naman syang narinig at dumating ang kanyang amo. Nagulat ang kanyang Amo sa nakita. Nagisip ng paraan ang Amo kung paano sya sasagipin. Maghuhulog ba ng lubid ngunit paano maitatali sa Guya ang lubid sa kabilang dulo. Bababa ba sa balon pero paano nya mabubuhat o maiaahon ang Guya. Sa wakas nakapag desisyon ang Amo. Isasakripisyo na nya ang Guya at Balon. Dahil hindi na nya kayang sagipin ang Guya, ililibing na nya ito ng buhay sa balong nanunuyo na rin naman. Kumuha sya ng pala at unti unti tinabunan ng lupa ang balon.
Sa pagkakataong ito, naramdaman ng Guya na wala ng pagasa na sya ay maligtas. Unti- unti na syang tinatabunan ng lupa ng kanyang Amo at nililibing na sya ng buhay. Nanalangin ang Guya at pagkatapos noon ay bigla syang nagkalakas ng loob. Inisip nya na tatabunan na rin naman sya, bakit hindi pa sya magsapalaran. Inisip nya na bawat lupang ibabagsak sa katawan nya ay ipapagpag na lang nya. At noong oras na yun, ipinagpag nya ang kanyang katawan para maalis ang lupang nakatabon. Bawat lupang bumagsak sa kanyang katawan ay naipagpag at nagsilbing tuntungan para makaakyat sa balon. Sa wakas napuno ng lupa ang balon at sya ay nakaahon.


Sana maging ganito ang ating pananaw sa buhay. Madalas ang mga inaasahan nating tutulong sa atin ay sila pang nagpapahamak at umaapak sa atin. Sila pa ang nagtatabon ng lupa at naglilibing sa atin. Ganunpaman, huwag tayong mawalan ng pag asa. Isipin natin na lahat ng problema ay may katapusan. Bawat problema ay ating ipagpag at gamiting tuntungan para sa ating tagumpay.

Sunday, December 4, 2011

Tip- Pabuya, Pakunswelo

This is from an old story, back in the '30s, in the days when an ice cream sundae cost much less. A 10 year-old boy entered a hotel coffee shop and sat at a table. A waitress put a glass of water in front of him.

"How much is an ice cream sundae?" the little boy asked.

"Fifty cents," replied the waitress.

The little boy pulled his hand out of his pocket and studied the coins he had. "Well, how much is a plain dish of ice cream?" he inquired.

By now, more people were waiting for a table and the waitress was growing very impatient. "Thirty-five cents," she brusquely replied.

The little boy again counted his coins. "I'll have the plain ice cream," he said.

The waitress brought the ice cream, put the bill on the table and walked away. The boy finished the ice cream, paid the cashier and left. When the waitress came back, she began to cry. As she wiped down the table, there placed neatly beside the empty dish were two nickels and five pennies. You see, he couldn't have the sundae because he had to have enough money to leave her a tip.


This is a follow up but in contrast to my last post entitled Stingy. A simple boy with no job who doesn't have much money thought of giving because he recognized and appreciated the service of the waitress. The boy had enough money for the sundae but chose to have the less expensive plain ice cream so he can give something. He appreciated the service so he considered a tip before hand.

Nakakainis isipin na may mga taong matagal ka ng pinapakinabangan pero balewala ka pa rin. Kaya lang niyang bigyan ay yung gusto nila. Kaya lang nilang purihin ay yung paborito nila. Sana katulad ng bata at ugali ng bata- ma appreciate nila yung nagagawa ng mga taong nakakasama nila. Malaman nila na hindi masama ang magbigay.

Stingy, Parsimonious, Miserly, Mean and Close

Synonyms
1. tight. stingy, parsimonious, miserly, mean, close all mean reluctant to part with money or goods.
2. sparse, paltry, poor.

Antonyms
1. generous.

Stingy the most general of these terms, means unwilling to share, give, or spend possessions or money: children who are stingy with their toys; a stingy, grasping skinflint.
Parsimonious describes an extreme stinginess arising from unusual or excessive frugality: a sternly parsimonious, penny-pinching existence.
Miserly stresses a pathological pleasure in acquiring and hoarding money that is so powerful that even necessities are only grudgingly purchased: a wretched, miserly way of life.
Mean suggests a small-minded, ignoble, petty stinginess leading to miserable, cheerless living: depressingly mean with his money; mean surroundings; a mean repast.
Close implies extreme caution in spending money, even an aversion to spending: a close dealer, buying only at rock bottom prices; generous with advice, but very close with his money.


Sa salitang Filipino o Tagalog ito ay Kuripot o madamot. Wala namang masama kung magbigay ka lalo na kung sobra pero wala rin naman masama kung ayaw mo magbigay. Ang pagbibigay at hindi pagbibigay ay isang pagpapasya na nababatay sa iyong sariling kagustuhan. Magbigay ka kung may sobra at hindi ka kukulangin. Magbigay ka kung namumunini ka sa sarap at kaginhawahan. Magbigay ka kung nakikita mo na ang bibigyan mo ay wala at sayo ay sobra sobra. huwag kang magbigay kung isusubo mo na lang o para sa pamilya mo. Huwag kang magbigay kung mas meron pa yung bibigyan mo. Huwag kang magbigay kung alam mo na mas maginhawa pa kalagayan ng bibigyan mo kesa sayo. Kung alam mo na sobra na at puro luho na lang inaatupag mo magbigay ka naman. Kung alam mo na nahihirapan na ang nasa paligid mo at ikaw ay nagwawaldas lang magbigay ka naman. Kung matagal mo ng napakinabangan at pinapakinabangan, magbigay ka naman. Ang hirap kasi sa iba, alam ng nahihirapan kapwa nila, konting limos di kayang ibigay puro pa dahilan.

Saturday, December 3, 2011

Upuan-Gloc 9

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...


Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Madalas nagiisip ako. Ito kayang nasa pwesto at mayayaman ay alam kung paano mabuhay ang isang dukhang tulad ko! Alam kaya na hindi nagkakasya sweldo ko? Alam kaya nila na hindi ko pa sinusweldo may nagiintay ng singilin at bayarin! Alam kaya nilang mamuhay sa barong barong na sala sa init sala sa ulan! alam kaya nilang binabaliktad ko mundo sa paghahanap ng pera kung may sakit anak ko! Alam kaya nilang kundi generic na gamot, nagkakasya na lang ako sa hilot at dahon! Alam kaya nilang mag 1-2-3 sa jeep at bus pag wala akong pamasahe! Alam kaya nilang maglakad habang ang suot mong sapatos o tsinelas ay butas! Alam kaya nilang hindi ko nakakain ang kinakain nila! Alam kaya nilang ukay- ukay na damit lang masaya na ako! Alam kaya nilang hindi ko pa nasusubukang kumain sa isang resto na buffet! Alam kaya nilang hindi ko alam kung anong lasa ng kape sa starbucks! Alam kaya nila na public school lang nag aaral ang anak ko nahihirapan pa ko sa libro at gastusin sa eskwela! Alam kaya nila na nagungutang ako ng 5-6 para maitawid ang gastusin! Alam kaya nila na hindi pa ko nakakapasok sa isang Imax na sinehan! Alam kaya nila na di pa man lang ako nakakahawak ng psp, ipod, ipad, apple laptop! Alam kaya nila na masaya na ko sa arcade na papiso piso lang! Alam kaya nila na hindi ko alam ang Wi! Alam kaya nila na palima- limang piso lang ang videoke ko! Alam kaya nila na tax pa lang nila kayamanan ko na! ALAM KAYA NILA NA HABANG YUMAYAMAN SILA NAGHIHIRAP AKO!

The Elephant Rope

As a man was passing the elephants, he suddenly stopped, confused by the fact that these huge creatures were being held by only a small rope tied to their front leg. No chains, no cages. It was obvious that the elephants could, at anytime, break away from their bonds but for some reason, they did not.
He saw a trainer nearby and asked why these animals just stood there and made no attempt to get away. “Well,” trainer said, “when they are very young and much smaller we use the same size rope to tie them and, at that age, it’s enough to hold them. As they grow up, they are conditioned to believe they cannot break away. They believe the rope can still hold them, so they never try to break free.”



The man was amazed. These animals could at any time break free from their bonds but because they believed they couldn’t, they were stuck right where they were.
Like the elephants, how many of us go through life hanging onto a belief that we cannot do something, simply because we failed at it once before?
Failure is part of learning; we should never give up the struggle in life.