Saturday, October 15, 2011

Ngayon At Kailanman- Basil Valdez

Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka
Ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa
Ngayon at kailanman
Sa hirap ko ginhawa ka
Asahan may kasama ka sinta
Naroroon ako t'wina
Maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo ng maitadhanang
Ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman
Ikaw ay mapalingkuran hirang
Bakit labis kitang mahal
Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay

REFRAIN:
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at di 'na gumalaw
Subalit isang araw pa matapos ang mundo'y nagunaw na
Hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman

REFRAIN:
Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
Langit may kasama ka (ngayon at kailanman)
Ngayon at kailanman


...Napakagandang awit...lalo na ito ay inawit ng madamdamin ni Basil Valdez..- Isang napakahusay na mangaawit.
Sa unang saknong pa lang ay apat na beses ng binanggit ang salitang Ngayon at Kailanman. Apat na bese na pangako, apat na beses na inulit ang pangakong pagmamahalan- sa hirap at ginhawa...
sa pangalawang saknong ay ang pagppaatunayan na tadhana sila ng Maykapal...na sila ang soulmate..binanggit rin na ang pagmamahal ay pangalawa na sa pagmamahal sa Maykapal..pangalawa na sa panginoon...


at sa gitna ay, pinatunayan na ang pagmamahal ay lalong tumitibay habang tumatagal. lalong bumubusilak..lalong umuusbong habang dumadaan ang panahon...na ang pagmamahal ay mawawala lang kung mawawala na ang bituin at araw..mawawala lang kung titigil na ang pagikot ng mundo...napakatamis..napakasarap na pagmamahalan...


ano nga pat ito ang napili naming maging kanta noong kami ay ikasal..napaka memorable..napakasarap alalahanin..isang pagmamahalan na sanay kasing tamis ng awitin..isang pangako na kasing tibay ng pangakong isinalalarawan ng awitin...isang pagibig na NGAYON AT KAILANMAN.

No comments:

Post a Comment