Ang buhay ay isang paglalakbay. Sa ating paglalakbay ay may mapupulot tayong aral at makapagbibigay ng aral sa iba. Mahaba, bako-bako, masikip, patag, maluwag, maulan, maaraw, maputik, mabato, mataas, masukol, madilim, maliwanag at iba-iba pang bagay ang ating haharapin. Ang mahalaga ay buo ang loob at taas noo nating harapin ang mga ito.May tiwala sa sarili at sa Panginoon. Isang beses lang ang ating paglalakbay sa mundong ito, pilitin nating maging kaayaaya ito sa ating Panginoon.
Sunday, October 16, 2011
Gawing Langit ang Mundo- Siakol
Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?
Chorus
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo
Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?
(repeat Chorus)
Habang maaga pa kahit man lang
sa kapakanan ng iba ng mga bata'ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan
(Talaga bang hindi alam ng mayayaman kung ano ang buhay ng isang mahirap? Alam kaya nila kung ano pinagsasaluhan ng mga walang pera, alam ba nila pakiramdam ng may butas ang bubong sa tag- ulan? Alam ba nilang maglakad dahil sa wala kang pamasahe? Alam ba nilang sa kanilang pagyaman marami pa ring naghihirap? Sana naman hindi ganun kakapal muka nila.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment