Kahit kayhaba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit,
Hinding hindi tayo titigil
Dahil mithi nati'y palayain
Bawat isa sa pakaalipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapa't pasakit
Hinding hindi tayo susuko
Kahit na may unos, kahit na may bagyo
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at iisa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Lakas ng masa ang ating sandigan
Saan mang laranga't digmaan
Kahit na may unos, kahit na may bagyo
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at iisa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig
No comments:
Post a Comment