Noong bata pa ako pag nanonood ako ng boxing at narinig ko yung salitang knock down o knock out, tingin ko pareho lang. Parehong ibig sabihin ay talo yung bumagsak. Pero iba ang sabi ng Tatay ko.
Sabi ng Tatay ko, malaki daw kaibahan noong dalawang salita na yun. Pag daw sinabing knock down yan daw yung sitwasyon kung saan tinamaan ng suntok yung boksingero at bumagsak sa sahig. Pag daw na knock down, pwede pa daw tumayo at lumaban uli. Meron daw mandatory eight counts pero kung nakabangon ka at hindi ka naman hilo, pwede pa uling lumaban.
Pag naman daw sinabing knock out, yan daw yung tinamaan ng suntok, bumagsak at hindi na nakabangon pa. Maaring nakabangon at nakatayo bago mag eight counts pero hilo pa rin at hindi na pwedeng lumaban. Ibig sabihin pag knock out, tapos na ang laban.
Sabi pa ng Tatay ko, pwede nga daw mangyari na kung sa twelve rounds, sa buong eleven rounds puro knock down nangyari sayo, pero pang twelve round na knock out mo naman kalaban mo. Suma tutal- ikaw pa mananalo.
Ganyan daw ang buhay sabi ng Tatay ko. Maraming mga pagsubok na darating sa atin. Mga sitwasyon na akala natin wala ng solusyon at katapusan. Mga paghihirap na sumusubok sa katatagan ng pagkatao natin. Madalas marami tayong mga knock downs sa buhay. Ang mahalaga daw ay yung babangon tayo sa mga knock downs na ito.
Pwede naman daw tayo mamili; pag daw tinamaan tayo at na knock down pwede na daw tayo hindi tumayo. Huwag na tayo lumaban, at patalo na lang. Pag kasi pinagpatuloy natin ang laban baka masaktan pa uli tayo. Masakit masuntok uli kaya pag nasaktan tayo at bumagsak, wag na tayo lumaban pa- pa knock out na lang tayo.
O piliing tumayo at lumaban uli. Harapin na sa ating muling paglaban ay maaring ma knock down uli. Ganun pa man ay hindi takot at buo ang loob. Ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban at hindi nagpa knock out.
Ang mahalaga daw ay yung buo ang loob natin na lumaban at harapin ang lahat. Ang mahalaga daw ay yung matibay ang paniniwala natin sa Panginoon. Dahil kung ang buong buhay daw natin ay ipapaubaya natin sa Panginoon, sooner or later daw maina-knock out pa natin mga problema natin sa buhay. Darating ang oras sugatan man sa laban, tayo pa rin ang tatayong panalo. Iyan ang sabi ng Tatay ko.
Ang buhay ay isang paglalakbay. Sa ating paglalakbay ay may mapupulot tayong aral at makapagbibigay ng aral sa iba. Mahaba, bako-bako, masikip, patag, maluwag, maulan, maaraw, maputik, mabato, mataas, masukol, madilim, maliwanag at iba-iba pang bagay ang ating haharapin. Ang mahalaga ay buo ang loob at taas noo nating harapin ang mga ito.May tiwala sa sarili at sa Panginoon. Isang beses lang ang ating paglalakbay sa mundong ito, pilitin nating maging kaayaaya ito sa ating Panginoon.
Monday, October 20, 2014
Saturday, October 18, 2014
Ang aking pinakatatakutan. (My Deepest Fear)
Papasok sa opisina. Nakasakay ako sa aking Honda Beat 110cc. Mabagal pero tuloy-tuloy naman ang traffic. Tumatakbo ako ng 20 to 40 kph. Mabagal na minsan bibilis. Hanggang sa marating ko ang Quirino Highway papuntang Balintawak. Balintawak tapos papuntang EDSA kung saan nanduon ang aking pupuntahan. Malapit na ko sa EDSA at medyo maluwag na, pwede ng biritin ang takbo ng motor. May nakasabay akong nakamotor rin- Raider 150cc yung sinasakyan nya. Di hamak na mabilis kesa sa akin. Bahala na pero sa luwag ng kalsada kaya ko na tong karerahin, kahit alam ko matatalo ako sa pabilisan. At ayun na nga, binirit na nya motor nya. Bibirahin ko na rin ang gas. 40...45....50...60...65....80kph. Teka nasan na sya? Hala naiwan na ang Raider, teka bakit? 150cc iyon a, ano ang nangyari?
Hindi pala sa bilis ng motor at hindi sa nagmamaneho ng motor. Hindi ko sinasabing magaling ako o mabilis ako magpaandar ng motor. Mas lalong hindi mabilis ang scooter ko na 110cc kontra sa Raider na 150cc. Ang dahilan pala ay yung kung paano mo itulak yung kakayanan mo. Aanhin mo nga namin mabilis na motor kung mabagal ka naman magpaandar. Aanhin mo talino mo kung di mo nagagamit sa mabuting bagay. Aanhin mo yaman mo kung madamot ka naman. May mga bagay na meron tayo na sana pinagbubuti na lang natin at ginagamit ng wasto para makatulong tayo sa iba. May mga bagay na binigay ang Diyos na sana ginagamit natin sa kabutihan at hindi pansarili lang.
At minsan natatakot tayo na ipush ang sarili natin na gawin ang dapat dahil natatakot tayo na malagpasan natin ang ating kakayanan. Iniisip natin na hanggang dito lang kaya natin kaya hanggang dito lang gagawin natin. Sabi nga nila ang tunay na kinatatakutan natin ay hindi kung ano ang hindi natin kayang gawin. Ang pinakakatakutan natin ay yung malagpasan natin ang ating kakayanan.
Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness that most frightens us. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? You are a child of God. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine, as children do. We were born to make manifest the glory of God that is within us. It's not just in some of us; it's in everyone. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. by Marianne Williamson from her book, A Return To Love.
Subscribe to:
Posts (Atom)