Tuesday, September 10, 2013

Wikang Filipino sa Tuwid na Landas


Noong nag-aaral pa `ko tandang-tanda ko pa
Ang magsalita ng Tagalog ay pinagmumulta
Ito'y `pinagbawal, ako'y nagtataka
Pag nag-ingles naman ako, sila'y natatawa.

Unang saknong sa awit ni heber na pinamagatang Paaralan. Totoo nga ban a bawal magsalita ng Filipino noong araw. Na kung ikaw magsasalita ng Tagalog ikaw ay magmumulta.

Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino.
 Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.
Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa. 
Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-partsa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon

Ayon kay Dr. Ernesto Constantino kilalang linguista (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.

Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba't ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba't ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura.
Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6:

"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas."

Saturday, August 31, 2013

Paglisan

Napakahiwaga ng buhay ng tao. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka o kailan ka magpapaalam sa iyong mga mahal sa buhay. Ang masakit ay yung katotohanang hindi ka ka mismo makakakapagpaalam. Merong nagsasabi na kahit paano nakatanggap sila na indirektang pagpapaalam, ngunit hindi kagaya ng paalam na isang taong may pupuntahan lang. Isang kahiwagaan ay kung paano tayo kukunin ng Panginoon. Merong biglaaan na lang, meron biglaan at masakit, merong matagal at masakit. May tyuhin ako masaya at malakas pa pagkalipas ng isang gabi inatake sa puso. May tyahin ako matagal na ininda ang sakit dahil sa cancer hanggang isang araw binawian na lang. May pinsan ako ilang beses nadisgrasya sa motor pero nakakaligtas, pero minsang naglalakad ay nasagasaan at namatay ng bigla. Mayrong bata pa at merong matanda na. Isang bagay ang pumasok sa isip ko: ang kamatayan ay hindi natin alam at kahit kailan ay hindi kayang pigilan. Darating sya na parang magnanakaw sa gabi na hindi natin alam kung kailan. Madalas na dumarating na hindi tayo handa. At yun ang nagiging kahinaan natin ang pagiging hindi handa. Ngayon ko naisip na maaring mamaya o bukas o sa isang araw ay mamatay na ako. At kailangan kong maging handa at gawin ang dapat gawin. Sabihin ang dapat sabihin. Patawarin at humingi ng tawad sa mga taong may hindi pagkakaintindihan. Ang pinakamahalaga ay tangapin ang Panginoon ng buong puso bilang tagaligtas.


Saturday, August 24, 2013

Pagbabago ng Asin


Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay

Nakakapagod din ang umasa
Lalo't ang bituka ay walang laman
Napakailap sa mahirap ang hustisya
Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan

Nag people power1 nagpeople power 2
Ang buhay natin di pa rin nagbabago
Nagpeople power 1 nagpeople power 2
Ngunit hindi pa rin tayo natututo

Maghapon-magdamag sa pabrika
Kayod-kalabaw sa bukirin
UlaniĆ¢€™t arawin tayo sa kalsada
Maisulong lamang ang adhikain

Hinarap na natin ang lahat ng hirap
Binalikat ang lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lamang ng mga sakim

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Naghihintay ng tamang pagkakataon

Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

Tayo ang pangharang sa tangke
Tayo ang pambala sa kanyon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Bantay-salakay ang mga lider ng nasyon

Kahit nag-Edsa III, kahit mag-Edsa IV
Ang buhay natin di pa rin magbabago
Kahit mag-People Power tayo ang talo
Hanggat hindi tayo natututo

Friday, June 28, 2013

Onek

“I wish it need not have happened in my time," said Frodo.
"So do I," said Gandalf, "and so do all who live to see such times. But that is not for them to decide. All we have to decide is what to do with the time that is given us.” : excerpt from The Fellowship of the Ring


Miracle do happen and I wish it will!

Tuesday, May 7, 2013

Partner




halika samahan mo ako sa gitna ng buhanginan
hawakan mo ako sa ilalim ng init ng araw
sabay nating hintayin ang alon sa dalampasigan
tuklasin ang bukas sa ating paglalakbay.