The child arrives like a mystery box...
with puzzle pieces inside
some of the pieces are broken or missing...
and others just seem to hide
But the HEART of a teacher can sort them out...
and help the child to see
the potential for greatness he has within...
a picture of what he can be
Her goal isn't just to teach knowledge...
by filling the box with more parts
it's putting the pieces together...
and creating a work of art
The process is painfully slow at times...
some need more help than others
each child is a work in progress...
with assorted shapes and colors
First she creates a classroom...
where the child can feel safe in school
where he never feels threatened or afraid to try...
and kindness is always the rule
She knows that a child
can achieve much more
when he feels secure inside
when he's valued and loved...
and believes in himself
...and he has a sense of pride
She models and teaches good character...
and respect for one another
how to focus on strengths...not weaknesses
and how to encourage each other
She gives the child the freedom he needs...
to make choices on his own
so he learns to become more responsible...
and is able to stand alone
He's taught to be strong and think for himself...
as his soul and spirit heal
and the puzzle that's taking shape inside...
has a much more positive feel
The child discovers the joy that comes...
from learning something new...
and his vision grows as he begins
to see all the things that he can do
A picture is formed as more pieces fit...
an image of the child within
with greater strength and confidence...
and a belief that he can win!
All because a hero was there...
in the HEART of a teacher who cared
enabling the child to become much more... than he ever imagined...or dared
A teacher with a HEART for her children...
knows what teaching is all about
she may not have all the answers...
but on this...she has no doubt
When asked which subjects she loved to teach,
she answered this way and smiled...
"It's not the subjects that matter...
It's all about teaching the CHILD."
Ang buhay ay isang paglalakbay. Sa ating paglalakbay ay may mapupulot tayong aral at makapagbibigay ng aral sa iba. Mahaba, bako-bako, masikip, patag, maluwag, maulan, maaraw, maputik, mabato, mataas, masukol, madilim, maliwanag at iba-iba pang bagay ang ating haharapin. Ang mahalaga ay buo ang loob at taas noo nating harapin ang mga ito.May tiwala sa sarili at sa Panginoon. Isang beses lang ang ating paglalakbay sa mundong ito, pilitin nating maging kaayaaya ito sa ating Panginoon.
Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts
Thursday, November 17, 2011
Friday, October 28, 2011
My JC!
You're such a good influence on me.
You're like my coach,
my cheerleader,
my marching band
all rolled into one person.
Your confidence in me
gives me confidence in me.
I can never fail
with you in my corner.
I go for the goal
'cause you've got my back.
I give it all I've got
because you would expect nothing less.
Having you as my friend makes me a winner.

The Push by David McNally and Mac Anderson
The eagle gently coaxed her offspring
toward the edge of the nest. Her heart quivered
with conflicting emotions as she felt their resistance
to her persistent nudging.
"Why does the thrill of soaring have to begin
with the fear of falling?" she thought. This ageless
question was still unanswered for her.
As in the tradition of the species, her nest was
located high upon the shelf of a sheer rock face.
Below there was nothing but air to support
the wings of each child.
"Is it possible that this time it will
not work?" she thought. Despite her fears
the eagle knew it was time. Her parental
mission was all but complete.
There remained one final task ... the push.
The eagle drew courage from an innate wisdom.
Until her children discovered their wings, there was
no purpose for their lives.
Until they learned how to soar, they would fail
to understand the privilege it was to have been born an
eagle. The push was the greatest gift she had to
offer. It was her supreme act of love.
And so, one by one, she pushed them and ...
THEY FLEW.

Monday, October 24, 2011
Buhay Sa Ilalim Ng Tulay
NFA rice na malata ang pagkasaing
Na inuulaman ng tuyo o daing
Noodles na mainit, kape o laing
Na pag minamalas- pagpag ang nahihiling
Nakaraanas ka na bang magtapal ng bubong
O magtaas ng gamit kung baha ay lagpas sakong
Sala sa lamig, sala sa init na barong barong
Na pag umuulan panalangin lagi ang bulong
Nakasakay ka na ba sa jeep na mausok
Pag minamalas katabi mo ay nakakasulasok
Kung hindi holdaper, isnatser o may putok
Kahit mahal na pasahe ikaw pa rin ay nasa sulok
Naranasan mo na bang maputulan ng kuryente
O maglagay ng sikwenta sa kanilang ahente
Maiudlot lamang ang putulang naka prente
Para may panahon pang mangutang kay kumare
Nasubukan mo na bang ang tubig ay pilahan
Dahil ang koneksyon ng tubig ay naputulan
Dahil sobrang mahal na singil kaya di nabayaran
Minsan tuloy paliligo akin ng kinalimutan
Naranasan mo na bang magkasakit ng walang gamot
Uminom ng dahon na galing sa hilot
Dahil gamot at ospital ay hindi maabot
Nang pitaka kong laman lang ay kulangot
Bisyo mo ba ay tsismis, tong- it o bingo
Na ang tayaan ay pa piso piso
Na minsan nadadaya pa ng mga loko
Dahil lahat nga ay gustong manalo
Galing sa ukay- ukay na mga damit
Kakaibang- kakaiba na talaga namang marikit
Fur coat at jacket sa bansang mainit
May choice ka ba, yun lang afford mo so take it
Ginantsilyong alambre at pekeng brilyante
Tingga at tanso na pinanday sa kuryente
Pamporma na namin nang magmukang disente
Pag nanilaw siguradong sira ang diskarte
Ganyan ang buhay sa ilalim ng tulay
Sa ilalim ay kahirapan kami na ay nasanay
Kaya mga pulitiko sa amin na ay sanay
PAGBEBENTA NG BOTO NAMIN SILA NAKA ANTABAY.

Sunday, October 23, 2011
Aanhin pa
Aanhin ang mata kung hindi ka makakita
O walang masabi ang dila'ng maganda
Ang tenga ay walang marining
At walang mayakap ang kamay at bisig
Aanhin nga ba ang maberdeng damo
Kung patay na ang maaasahang kabayo
Parang katulad nang konting limos mo
Na panis na yata at 'di ko na gusto
Sayang kung ganyan ka na lang
Palaging sunod- sunuran sa iilan
Tulad mo'y hamog sa tag- ulan
At damong ligaw sa kagubatan.
Walang halaga ang anumang bagay
Kung pang- unawa mo'y hindi ibibigay
Tanging bukas na puso lang ang hinihintay
Upang maintindihan mo at ako'y mapalagay.

Monday, October 17, 2011
Ang Gobyernong may Tuwid na Landas
Nakapagtaka, bakit ka ba ganyan?
Lahat ng hiling ko’y binalewala mo lang.
Mga hinagpis at reklamo’y tinawanan lang
Feeling ko tuloy ako’y iyong laruan
Ginamit mo ako nung ikay kandidato
Nang ikay gagamitin ko naging galit na tayo
Mga batas mo na dapat pantao
Bakit ngayon para na sa demonyo
Umento sa sweldo ang aking hiling
Sinagot mo ako ng malakas na iling
Mahina ang negosyo ang iyong baling
Mas mainam na yan kesa wala ni isang kusing
Mga reklamo ng bayan, balewala lang
Mataas na gasolina at tax kung saan saan
Korupsyon sa politika na pinatatakbo ng iilan
tuwid na landas, nakupo nasaan?
Ngayon ko naisip dapat ikaw ay intindihin
Kahit mga dahilan mo’y nakakarimarim
Sa sistemang bulok nakapailalim
Puro pakabig ay iyong gawain
Nakakatakot kung wala kang pang shopping
Pang chicks, out of town at bar hopping
Pambili ng bagong kotse at luhong pang in
Pang yabang sa church at samahang in na in
Hindi mo ba naisip na ang iyong ginagasta
Ay malaking bagay na sana sa iba
marami na sanang pamilya ang sumaya
Kung sabagay doon ka naman yata masaya.
ang tuwid na landas ni Pnoy....nasan na? Baka nandun sa Hacienda Luisita...bato bato sa langit, tamaan wag magalit...
Saturday, October 15, 2011
Laki ako sa Hirap
Lumaki akong mahirap, ngunit buo ang pangarap
Na hindi patatalo at laging magsusumikap
Kapos man palagi at basura ang kaakap
Tuwid at malinis na daan ang aking hanap
Sabihin man nilang sang kahig sang tuka
Sa maraming bagay ay salat at nakatunganga
Ulam ko may talbos ng kamote, noodles o sardinas
Ang kagandahang asal namay wasto at likas
Sanay akong magdildil sa asin
Hwag lang matulad sa mga ahas at lawin
Na ang maliit ang gustong gawing alipin
Ang yaman at kapangyarihan ay kinikimkim
October 1, 2010
http://seanaquino.blogspot.com/

Saturday, October 2, 2010
Ang Puppet
Isa kang puppet
na laging nakakakapit
sa nanay mong malupit
na lahat iniipit
Muka kang totoo at sadyang makatao
kakabilib plano mo at pagiging matalino
Sabi mo nga galing namiy lilinangin
Aalagaan, ididivelop at pagyayamanin
Pina asa mo kami sa iyong plataporma
Mga pangako mong nakakagana
Ngunit may nalaman ako at nasorpresa
Wala ka naman palang silbit walang kwenta
Ngunit ano nga bat ikay nahalata ko
Ugali mo palay mapag balat aso
Pinaniwala mo ang lahat na ikaw ay makatao
Sa talikuran palay iba na ang anyo mo
Naniwala kami noon sa tapang mot galing
na may magagawa ka sa aming hiling
galing mo pala ay para lang kuting
na umaasa lang sa nanay mong pating
Isa ka lang kurtina sa puting tabing
Na maganda ang harap sa likod ay maitim
Isang kuwagong nagmamatyag sa galaw namin
Na pagkakamali namin ang lagi mong hiling

Friday, October 1, 2010
Laki ako sa hirap
Lumaki akong mahirap, ngunit buo ang pangarap
Na hindi patatalo at laging magsusumikap
Kapos man palagi at basura ang kaakap
Maliwanag na daan ang aking hanap
Sabihin man nilang akoy sang kahig sang tuka
Sa maraming bagay ay salat at nakatunganga
Ulam ko may talbos ng kamote, noodles o wala
Ang kagandahang asal namay hindi nawawala
Sanay akong magdildil sa asin
Hwag lang matulad sa mga ahas at lawin
Na ang maliit ang gustong gawing alipin
Ang yaman at kapangyarihan ay kinikimkim
Sabi ng aking tatay, noong syay nabubuhay
Mas masarap matulog sa isang bahay kubo
Lalo na ang nakatira ay mga tao
Kesa naman sa isang magarang bato
Na ang naninirahan ay buwaya at kuwago.

Thursday, May 6, 2010
ang alibi ni kuwan
ano nga bat, may mga taong mahilig magdahilan
maraming alibay at mga kasinungalingan
half- truth o white lies pareho lang naman
pareparehong kasinungalingan pantakip sa katotohanan
sabi ni kuwan sya’y my karamdaman
rekomendasyon ni doc, ipahinga ang katawan
bed rest muna upang ang stress ay maiwasan
wag munang magpagod, trabahoy iwasan
pumayag si boss, sa kanyay naawa
iniisip na baka sakit nyay lumala
pero ano itong sabi sabi nila
sa SM nakitang si kuwan ay gumagala
may sakit at sa trabaho sya ay lumiban
pinabilib ang lahat sa arteng panlaban
ang sakit nya pala ay sakit sakitan
gustong gumimik at trabahoy takasan

Saturday, April 24, 2010
gandang umaga!!!..... ang pag gising sa mahabang pagtulog

magandang araw...parang kailan lang...subalit nakaka dalawang taon na rin pala ang nakalipas...
marami na ang nangyari..marami na ang nagbago..naging busy...naging abala sa mga bagay na pambuhay sa pamilya.....
bahagyang naidlip....nakalimot....natukso....
ilang beses kinain ang prinsipyo sa pag aakalang may pagbabago...
nagtiis..nagtyaga...umasa.....
umasa sa wala.......
masarap pa rin magising sa katotohanan...
masarap pa rin na alam mo- na alam nila na alam mo na niloloko ka nila......
umasa ka...buhay na naman ang diwat isip ni Buloy....
mas malayang pagtuligsa sa mga kabulukan ng sistema ng Gobyernong pinapatakbo ng mga magnanakaw at mga ganid sa kapangyarihan....
umasa ka...sa twitwina..magiging mulat ang aking mata
Monday, June 23, 2008
kaputol ng isang awit
"Kahapon lamang meron akong nakilala
Babaeng mahilig sa pagkanta
Musika rin daw hilig nya
Pampukaw ng lungkot pagbalik alaala"
Ano nga bat siya'y kakaiba
Dahil alam kong awit alam nya
Nagkataon nga lang ba
Na ang aking awit kaputol nasa kanya"
(sdc)
Minsan sa buhay may makikilala ka na para bang ang tagal mo nang kakilala. Para bang iisa ang takbo ng inyong isip at diwa. Meron rin namang mga tao na matagal mo nang kasama, lagi mong katabi pero parang hanggang ngayon hindi pa rin kayo magkakilala.

Saturday, June 21, 2008
ang tsinelas kong butas
"ang tsinelas kong butas
alaala ng lumipas
kahapong nakabakas
damdaming umaalpas
mga panahong nilalakbay
mga lugar na binabaybay
mga alikabok na ginagabay
sinasariwa't sinasalaysay
ang tsinelas kong butas
tama nga bang ibulalas
bagamat sya ay nakalipas
dala naman nya'y pagbabago ng bukas."
(sdc)
Alam ko na ang tanging maibabahagi ko lang sa ating panahon ay ang aking mga nakaraang karanasan sa buhay. Maihahantulad ko sya sa isang butas ng tsinelas...sa layo ng palalakad, sa putik, sa batuhan, sa alikabok, sa tagal ng palalakbay..naluma at nabutas na ang tsinelas. Bagamat siyay luma at butas na..meron pa rin syang kwento...kwento ng paglalakbay....kwento nga nakalipas...na tanging mapupulot ay ang aral na natutunan sa mga karanasan.

wow talaga ang pinoy....
"ang Pinoy kakaiba talaga
saan man ikumpara
marami man ang problema
parati pa ring nakatawa
ang Pinoy nga talaga
kumakalam man ang tyan at walang pera
marami man ang nakahihigit sa kanya
nakukuha pa rin kumanta
ang Pinoy bibilib ka talaga
saang panig man ng mundo nanduon sya
ang pagkanta bisyo na talaga
kaya nga ang WOW sikat na sikat talaga
ang Pinoy bibilib ka pag kumanta
kahit sabayan daig na daig ang iba
dinadaan ang hinaing sa pagkanta
dito sya naiiba
ang Pinoy Wow talaga
ang WOW partner nya
sa pagkanta ibang iba
tunog at husay di sila uubra
kaya ang Pinoy sa WOW umaasa
sa bisyo nya WOW ang mahalaga
partner na ng buhay pagkanta
kaya sa pagkanta WOW lang ang mahalaga."
(sdc)
Kung paano naging importante ang pagkanta, at pagkanta ng may magandang medium (mic) ay mahalaga. Tama ang wow magicsing ay Pinoy na Pinoy, dahil ang Pinoy lahat dinadaan sa pagkanta. Ang Wow ganun din ibibigay kung ano ang ikasisiya ng Pinoy sa paraan ng pagkanta. sabi nga nila kung may problema..daanin sa pagkanta..kung kakanta..wow ang mahalaga.

Monday, June 16, 2008
Ang tao...
"Gumawa ng mali ay lalong masama
Ngunit sobrang buti ay hindi rin daw tama
Saan ka papanig sa buti o sama
Na kapwa may pintas at kapwa may pula.
Ang tao ay ganyan sa init ay ayaw
Lamig ang idulot malamig naman daw
Ang lamig at init ang iyong ibigay
Ayaw na pareho iba na ang kailangan.
Ang tao ay ganyan malinaw ang mata
Butas ng palakol ay hindi makita
Uling ng sarili'y hindi pinupuna
Ngunit ang sa iba ang siyang nakikita."
(OSCARMENDEL FEB. 4, 1955)
In memory of my father Oscar san Agustin Del Carmen 1935- 1991)
Madalas iniisip ko bakit nga ba ganito ang tao, masyadong mapanuri ang mata. Masyadong mapagpuna, animoy hindi sila magkakamali. Sabi nga ng dati kong boss sa trabaho- fault finder.
Masyadong magagaling, animoy napaka perpektong kailangang tama lagi. Para bang napakakalinis at hindi makabasag pinggan.
Masyadong mareklamo na parang madalas nagugulangan. At hindi makuntento sa buhay kulang na lang hilinging lahat ng gusto ay masusunod.
Masyadong mapanlait at mapagpintas, animoy walang pangit sa katawan o walang baho na tinatago. Pilipino nga naman.
Ilan lang yata yan sa problema ng ilang Pinoy..ang pagiging maninisi, ang pagiging mapanghusga, pagiging reklamador at mapanlait ng iba.

talang tinatangi...
“Sa panunungkit ko ng tala sa langit
Ano ba’t ang buwan ay sa ki’y lumapit
Kaya’t sa takot kong siya’y magalit
Talang nasungkit ko’y nawala nahagis.
Itong buwan namang may dakilang layon
Ang aking isip napatda natuon
Nag akala na ring baka magkagayon
Magparis sa talang nagpatapon tapon
Nagpatuloy ako ilan pang sandali
Nang maaalala kot biglang nagmadali
Pagkat ang nasa kong talang tinatangi
Ngayon ay wala na sa king pagtatangi.”
(OSCARMENDEL 1955)
In memory of my father- Oscar San Agustin Del Carmen (1935- 1991)
Madalas nga dumadating sa buhay natin ang mga bagay na di inaasahan. Mga bagay na nagsisilbing pagsubok sa ating katatagan, pati sa ating pakikipagrelasyon ay nasusubukan. Minsan akala natin lahat ng bagay pwedeng gawan ng paraan at ng dahilan. Madalas nawawalang bahala ang mga bagay na importante at nasisilaw tayo sa mga bagay na walang kabuluhan. Sabi nga ng isang talata sa isang librong aking nabasa " maaring naging abala tayo sa pamumulot ng bato sa buhanginan at hindi namalayan na ang ang diyamanteng atin ng pagaari ay tuluyan ng nawala." Baka nga, baka nga madalas yung madalas nating kasama, kasama sa hirap at ginhawa ay napagwawalang bahala. Sana naman hindi, sana naman hindi pa huli ang lahat.

umaga ng isang mangagawang Pinoy
Panis na laway maong na kupas
Lumang sapatos at bulsang butas.
Kapeng malinaw at kaning lipas
Trapik sa kalsada, wala ng kakupas kupas.
Buhay ni Juan ganyan kamalas
Isang buwang kayod para sa konting bigas.
Kakarampot na umento subalit lahat ay tumataas
Tatlong kahig isang tuka ganyan ang Pinas.
(sdc08)
Ganyan nga yata ang buhay ng halos lahat ng Pinoy ngayon. Kung noon isang kahig isang tuka, ngayon: tatlong kahig bago tumuka! Ganyan na nga kahirap, sobrang sikip na ng sinturon ni Juan.
Ganun pa man, si Juan isa pa ring masayahing nilalang. Si Juan malakas pa rin ang paniwala na may kasamang pag asa ang bukas

Sunday, June 15, 2008
Kung sakali....(habilin))
Kung sakali ako ay papanaw
Buhay ko'y makitil at biglang mamatay
Bangkay ko'y huwag na sanang ilalagay
sa isang ataul na lubhang maringal.
Lamang sana'y huwag ninyong lilimutan
Ititik ng buo ang aking pangalan
Sa ilalaim nito ay isulat naman
Ang katagang akin ngayon ay tuturan:
" AKO AY NAMATAY NG DI KO NAKITA
ANG KINABUKASANG NAIS MATAMASA
ANG KALIGAYAHANG AKING PINIPITA
TAGUMPAY, ALIW, TUWA AT LIGAYA."
(OSCARMENDEL 5/31/1955)
In memory of my father- Oscar San Agustin Del Carmen 12/17/35- 08/28/1990.
Ilan sa mga sinulat ng aking ama -Oscar San Agustin Del Carmen, siya ay namatay noong Sept. 28, 1991. Maituturing kong isang tula na paghihinagpis dahil ang kanyang kamay ay nakatali sa kahirapan subalit wala syang magawa.

diretso lang at wag liliko...
"saan ka ba pupunta aking kaibigan
naiplano mo ba ang iyong kalalagyan
inayos mo ba ang iyong daraanan
o katulad ka rin ng iba na bahala na lang!"
(sdc08)
Minsang paglalakad namin ng tatay sa may Maynila- sa kahabaan ng Avenida, napansin ko ang kabayo na humihila ng karitela. Napansin ko ang takip sa gilid ng mata ng kabayo. Agad kong tinanong ang tatay ko kung para sa ano yun at bakit ganun. And sabi ng tatay ko
" Iyang takip na yan ay para diretso lang ang lakad ng kabayo, para dun lang sya pupunta sa dapat nilang puntahan ng kutsero. Para hindi lumihis ng daan at hindi maligaw. Para hindi masilaw at maakit ng mga nakapaligid sa kanya o sa daraanan."
Ngayon ko na realize, yun pala yung pagkakaroon ng isang matibay na misyon na tatahakin sa buhay. Pagiging "focus" sa ating misyon. Dapat diretso, dapat sa iisang direksyon. dapat hindi ka pasisilaw sa mga nakapaligid sa yo na magliligaw lang sa dapat mong puntahan. Ano nga ba ang sabi nila Rick Warren (Purpose Driven) at ni Napoleon Hill (Magic Ladder to Success) ang buhay dapat "purpose driven" at dapat may "definite aim in life"....

sa isang munting pangarap magsisimula....
"huwag ka nang malungkot
batang buraot
kabuhayan mo may galing sa pamumulot
basta nabubuhay sa Diyos ay may takot
magsumikap at magtiyaga upang ikaw ay may maabot!"
(sdc08)
Nalala ko noong nabubuhay pa ang tatay ko, parati niyang sinasabi sa ming magkakapatid na " Hindi kasalanan o kakulangan ng isang bata kung ipanganak siyang mahirap, ang malaking kasalanan ay yung mamatay syang mahirap pa rin!". Oo nga at namantay siyang mahirap, nanatili pa rin sa diwa at isip naming magkakapatid ang pagsusumikap, pagtyatyaga at paniniwala na hindi kasalanan ang maging mahirap. At lalong hindi handlang ang pagiging mahirap para mangarap at balang araw magtagumpay.

Subscribe to:
Posts (Atom)