Nakakatawa ka naman, ang dami mong alam
And dami mong sinasabi na ikaw lang ang may alam
Tahi-tahing kwento, karamihan walang kwenta
Kasiraan ng iba, para ikaw ang maging bida
Ano nga ba ang kwento mo tungkol sa utang ni kwan
Na kahit anong singil mo ay tinataguan ka na lang
Bakit sa iba, ang kwento ay iba naman
Si kwan at ikaw pala ay iisa lang
Sabi mo pa para ng barangay ang iyong binuhay
Sa padala mo para kay Tatay at Nanay
Bilib na sana ko, ngunit aking nalaman
Dalawang kiyaw-sang buwan, yan ba ay pambuhay
Dami mong niyabang, pinagmalaking nalalaman
Malaking kumpanya, trabahong pang bigtime
Pero bakit mukang sa yabang lang
Kasi sabi nila, mas madalas tambay ka naman
Ang dami mong alam tungkol sa iba
Dami mong kwento na pang alispusta
Pero ang sarili mo kakilala mo ba
Ang bahong nangangamoy alam ba nila
Sige na ngat, bilin ko ng ang iyong yabang
Marami kang pera at ari-ariang pang mayaman
Pero aanhin ang maraming yaman
Kung ang ugali moy isusuka ninuman.
-oscarmendel
Ang buhay ay isang paglalakbay. Sa ating paglalakbay ay may mapupulot tayong aral at makapagbibigay ng aral sa iba. Mahaba, bako-bako, masikip, patag, maluwag, maulan, maaraw, maputik, mabato, mataas, masukol, madilim, maliwanag at iba-iba pang bagay ang ating haharapin. Ang mahalaga ay buo ang loob at taas noo nating harapin ang mga ito.May tiwala sa sarili at sa Panginoon. Isang beses lang ang ating paglalakbay sa mundong ito, pilitin nating maging kaayaaya ito sa ating Panginoon.
Friday, August 18, 2017
Sunday, July 16, 2017
Ikaw Ay Ikaw at Ako ay Ako
Bakit nga ba kailangan natin maging perpekto sa mata ng iba?
Madalas kailangan natin gawin ang mga bagay na hindi naman natin palaging
ginagawa para lang masatisfy ang gusto ng iba. Kailangan natin maipakita sa
kanila na kaya nating gawin ang mga bagay na hiniling nila. Maganda sana kung
talaga naming kaya nating ibigay. Ang malaking problema ay yung lampasan natin
yung kapabilidad natin para lang maibigay ang gusto ng iba. Mahirap magsaibang
anyo na tayo para lang makuha ang bagay na hindi naman abot ng ating kakayanan.
Sa isang banda ay maganda dahil nagsisikap tayo at pinipilit nating lampasan ang
ating kakayanan. Gumagawa tayo ng paraan
para magsikap pa at itaas ang ating ambisyon o mithiin sa buhay. Pero sa mga
bagay na ikatutuwa lang ng iba o para magpapogi lang sa iba ay parang ibang
usapan na. Ang pangarap ko ay sa akin at pangarap mo ay sa iyo.
Kailangan nga bang gawin ko ang gusto mo para maituring mo
kong kaibigan? Kailangan bang abutin ko ang mga bagay na hindi ko naman gusto
pero ikakatuwa mo? Kailangan ko bang sumangayon sa gusto mo para masabi mong
karapat dapat ako? Kailangan ko bang gawin ang mga bagay na hindi ko kaya para
lang magbayad ng utang na loob sa iyo?
Sa tingin ko ay hindi dahil may sarili akong pagiisip at
kakayahan. Meron akong kayang gawin at gagawin pero yun ay dahil sa gusto ko at
hindi dahil sayo o sa utang na loob ko. May gusto akong abutin na gusto ko at
hindi dahil sa utos mo. May kanya kanya na tayong buhay. Ginagalang kita at
sana naman galangin mo rin ako. May utang na loob ako, salamat at hindi ko
kailanman makakalimutan ito, pero kailangan bang ipaalala mo sa bawat kilos ko. Sana naman maisip mo na
Ikaw ay ikaw at ako ay ako.
Ang Kabalintunaan Ng Ating Panahon (Tagalog version of The Paradox of Our Time by Bob Moorehead)
May malalaki tayong
gusali, pero maliit na pasensya
Malapad na kalsada,
pero makitid na pananaw sa buhay
Madalas gumastos,
pero bihira mag impok
May malalaki bahay,
pero maliit na pamilya
Mas maginhawa, pero
salat sa oras
Mataas na pinagaralan
,pero walang kahulugan
Maraming kaalaman,
pero hindi maayos na desisyon
Maraming eksperto,
pero mas maraming problema
Maraming gamot, pero mas
maraming may sakit
Maraming material na
bagay, pero tayo mismong tao ay nawalan na ng halaga
Madalas magsalita,
minsang magmahal at mas madalas magalit
Marunong maghanap
buhay, pero hindi alam ang halaga ng buhay
Nagdadagdag tayo ng
taon sa ting buhay, pero hindi buhay sa bawat taon
Nakarating tayo sa buwan
at nakabalik
Pero nahihirapan pa
rin tayo na tumawid sa kalsada para makipag kapwa tao
Nagtagumpay tayo sa labas
ng mundo, pero bigo sa ating pangkaloobang bahagi
Sinubukan nating
linisin ang hangin sa kapaligiran, pero nanatiling madumi ang ating kaluluwa
Nagawa nating hatiin
ang atom, pero hindi ang ating maling palagay, yabang at ego
Mas malaki ang ating
sweldo, pero maliit ang kagandahang asal
Mas ginusto nating magkaroon
ng marami, kaysa magkaroon ng kalidad
Ito ang panahon ng
matataas na tao, pero maliit na pagkatao
Mataas na kita at
tubo, pero mababaw na relasyon
Panahon ng pang mundong
kapayapaan, pero gulo at alitan sa sariling bansa
Maraming bakasyon,
pero hindi lahat masaya
Maraming pagkain,
pero hindi lahat may nutrisyon
Panahon na parehong
mag asawa ang kumikita, pero mas maraming naghihiwalay
Magagarang bahay,
pero sirang pamilya
Panahon na marami ang nakadisplay sa labas ng tindahan,
pero walang nakatabi sa loob
Panahon na nababasa
mo ito sa iyong komputer o cellphone
At panahon para
pumili
Kung iintindihin mo o ipagbabalewala.
Minsan ay naging tayo, Bakit ngayon ako na lang
Ako ay ako, ikaw ay ikaw
Minsan ay naging tayo, bakit ngayon ako na lang
Minsang naniwala sa walang hanggan
Ngayon alam ko na ang hangganan ay nandyan lang
Minsan ako ang tama, madalas mas mali
Minsan malakas, mahina madalas
Minsan matapang, madalas ay duwag
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Minsan maginhawa, madalas pasakit
Minsan nakakatawa, mas madalas pighati
Minsan may tuwa, madalas ang lungkot
Marahil ang pangarap mo ay hindi nga ako
Matagal na nagtiis, ngayoy tapos na
Malaya ka na ng humanap ng ligaya
Sa akin ay patuloy ang paghihirap
Hayaan mo na, na akoy magisa
Alam natin na hindi ka na masaya
Dahil puro hirap ang iyong nadama
Bagamat mukang huli na sa ating istorya
May pagasa pa rin na ikaw ay lumigaya sa iba
Nakakalungkot na hindi ka kasama
Sa pagtanda at pagtanaw sa paglubog ng araw
Pero mas gugustuhin ko na, na ikaw ay sumaya
Nang makalimutan mo na ang hirap na nadama
Ngayon ay kailanman ay isang pangarap
Pangarap na mahirap palang malasap
Minsay may ginhawa, madalas ang hirap
Paano na nga kung nasadlak sa puro hirap
Patawad, sa lahat ng sakit at hirap
Patawad sa sakit at sama ng loob
Patawad at naging tayo sa mga nakaraang taon
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Ako ay ako na ngayon at ikaw ay ikaw na lang.
Minsan ay naging tayo, bakit ngayon ako na lang
Minsang naniwala sa walang hanggan
Ngayon alam ko na ang hangganan ay nandyan lang
Minsan ako ang tama, madalas mas mali
Minsan malakas, mahina madalas
Minsan matapang, madalas ay duwag
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Minsan maginhawa, madalas pasakit
Minsan nakakatawa, mas madalas pighati
Minsan may tuwa, madalas ang lungkot
Marahil ang pangarap mo ay hindi nga ako
Matagal na nagtiis, ngayoy tapos na
Malaya ka na ng humanap ng ligaya
Sa akin ay patuloy ang paghihirap
Hayaan mo na, na akoy magisa
Alam natin na hindi ka na masaya
Dahil puro hirap ang iyong nadama
Bagamat mukang huli na sa ating istorya
May pagasa pa rin na ikaw ay lumigaya sa iba
Nakakalungkot na hindi ka kasama
Sa pagtanda at pagtanaw sa paglubog ng araw
Pero mas gugustuhin ko na, na ikaw ay sumaya
Nang makalimutan mo na ang hirap na nadama
Ngayon ay kailanman ay isang pangarap
Pangarap na mahirap palang malasap
Minsay may ginhawa, madalas ang hirap
Paano na nga kung nasadlak sa puro hirap
Patawad, sa lahat ng sakit at hirap
Patawad sa sakit at sama ng loob
Patawad at naging tayo sa mga nakaraang taon
Minsang naging tayo, ngayoy ako na lang
Ako ay ako na ngayon at ikaw ay ikaw na lang.
Monday, October 20, 2014
Knock Down pero hindi Knock Out!
Noong bata pa ako pag nanonood ako ng boxing at narinig ko yung salitang knock down o knock out, tingin ko pareho lang. Parehong ibig sabihin ay talo yung bumagsak. Pero iba ang sabi ng Tatay ko.
Sabi ng Tatay ko, malaki daw kaibahan noong dalawang salita na yun. Pag daw sinabing knock down yan daw yung sitwasyon kung saan tinamaan ng suntok yung boksingero at bumagsak sa sahig. Pag daw na knock down, pwede pa daw tumayo at lumaban uli. Meron daw mandatory eight counts pero kung nakabangon ka at hindi ka naman hilo, pwede pa uling lumaban.
Pag naman daw sinabing knock out, yan daw yung tinamaan ng suntok, bumagsak at hindi na nakabangon pa. Maaring nakabangon at nakatayo bago mag eight counts pero hilo pa rin at hindi na pwedeng lumaban. Ibig sabihin pag knock out, tapos na ang laban.
Sabi pa ng Tatay ko, pwede nga daw mangyari na kung sa twelve rounds, sa buong eleven rounds puro knock down nangyari sayo, pero pang twelve round na knock out mo naman kalaban mo. Suma tutal- ikaw pa mananalo.
Ganyan daw ang buhay sabi ng Tatay ko. Maraming mga pagsubok na darating sa atin. Mga sitwasyon na akala natin wala ng solusyon at katapusan. Mga paghihirap na sumusubok sa katatagan ng pagkatao natin. Madalas marami tayong mga knock downs sa buhay. Ang mahalaga daw ay yung babangon tayo sa mga knock downs na ito.
Pwede naman daw tayo mamili; pag daw tinamaan tayo at na knock down pwede na daw tayo hindi tumayo. Huwag na tayo lumaban, at patalo na lang. Pag kasi pinagpatuloy natin ang laban baka masaktan pa uli tayo. Masakit masuntok uli kaya pag nasaktan tayo at bumagsak, wag na tayo lumaban pa- pa knock out na lang tayo.
O piliing tumayo at lumaban uli. Harapin na sa ating muling paglaban ay maaring ma knock down uli. Ganun pa man ay hindi takot at buo ang loob. Ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban at hindi nagpa knock out.
Ang mahalaga daw ay yung buo ang loob natin na lumaban at harapin ang lahat. Ang mahalaga daw ay yung matibay ang paniniwala natin sa Panginoon. Dahil kung ang buong buhay daw natin ay ipapaubaya natin sa Panginoon, sooner or later daw maina-knock out pa natin mga problema natin sa buhay. Darating ang oras sugatan man sa laban, tayo pa rin ang tatayong panalo. Iyan ang sabi ng Tatay ko.
Sabi ng Tatay ko, malaki daw kaibahan noong dalawang salita na yun. Pag daw sinabing knock down yan daw yung sitwasyon kung saan tinamaan ng suntok yung boksingero at bumagsak sa sahig. Pag daw na knock down, pwede pa daw tumayo at lumaban uli. Meron daw mandatory eight counts pero kung nakabangon ka at hindi ka naman hilo, pwede pa uling lumaban.
Pag naman daw sinabing knock out, yan daw yung tinamaan ng suntok, bumagsak at hindi na nakabangon pa. Maaring nakabangon at nakatayo bago mag eight counts pero hilo pa rin at hindi na pwedeng lumaban. Ibig sabihin pag knock out, tapos na ang laban.
Sabi pa ng Tatay ko, pwede nga daw mangyari na kung sa twelve rounds, sa buong eleven rounds puro knock down nangyari sayo, pero pang twelve round na knock out mo naman kalaban mo. Suma tutal- ikaw pa mananalo.
Ganyan daw ang buhay sabi ng Tatay ko. Maraming mga pagsubok na darating sa atin. Mga sitwasyon na akala natin wala ng solusyon at katapusan. Mga paghihirap na sumusubok sa katatagan ng pagkatao natin. Madalas marami tayong mga knock downs sa buhay. Ang mahalaga daw ay yung babangon tayo sa mga knock downs na ito.
Pwede naman daw tayo mamili; pag daw tinamaan tayo at na knock down pwede na daw tayo hindi tumayo. Huwag na tayo lumaban, at patalo na lang. Pag kasi pinagpatuloy natin ang laban baka masaktan pa uli tayo. Masakit masuntok uli kaya pag nasaktan tayo at bumagsak, wag na tayo lumaban pa- pa knock out na lang tayo.
O piliing tumayo at lumaban uli. Harapin na sa ating muling paglaban ay maaring ma knock down uli. Ganun pa man ay hindi takot at buo ang loob. Ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban at hindi nagpa knock out.
Ang mahalaga daw ay yung buo ang loob natin na lumaban at harapin ang lahat. Ang mahalaga daw ay yung matibay ang paniniwala natin sa Panginoon. Dahil kung ang buong buhay daw natin ay ipapaubaya natin sa Panginoon, sooner or later daw maina-knock out pa natin mga problema natin sa buhay. Darating ang oras sugatan man sa laban, tayo pa rin ang tatayong panalo. Iyan ang sabi ng Tatay ko.
Saturday, October 18, 2014
Ang aking pinakatatakutan. (My Deepest Fear)
Papasok sa opisina. Nakasakay ako sa aking Honda Beat 110cc. Mabagal pero tuloy-tuloy naman ang traffic. Tumatakbo ako ng 20 to 40 kph. Mabagal na minsan bibilis. Hanggang sa marating ko ang Quirino Highway papuntang Balintawak. Balintawak tapos papuntang EDSA kung saan nanduon ang aking pupuntahan. Malapit na ko sa EDSA at medyo maluwag na, pwede ng biritin ang takbo ng motor. May nakasabay akong nakamotor rin- Raider 150cc yung sinasakyan nya. Di hamak na mabilis kesa sa akin. Bahala na pero sa luwag ng kalsada kaya ko na tong karerahin, kahit alam ko matatalo ako sa pabilisan. At ayun na nga, binirit na nya motor nya. Bibirahin ko na rin ang gas. 40...45....50...60...65....80kph. Teka nasan na sya? Hala naiwan na ang Raider, teka bakit? 150cc iyon a, ano ang nangyari?
Hindi pala sa bilis ng motor at hindi sa nagmamaneho ng motor. Hindi ko sinasabing magaling ako o mabilis ako magpaandar ng motor. Mas lalong hindi mabilis ang scooter ko na 110cc kontra sa Raider na 150cc. Ang dahilan pala ay yung kung paano mo itulak yung kakayanan mo. Aanhin mo nga namin mabilis na motor kung mabagal ka naman magpaandar. Aanhin mo talino mo kung di mo nagagamit sa mabuting bagay. Aanhin mo yaman mo kung madamot ka naman. May mga bagay na meron tayo na sana pinagbubuti na lang natin at ginagamit ng wasto para makatulong tayo sa iba. May mga bagay na binigay ang Diyos na sana ginagamit natin sa kabutihan at hindi pansarili lang.
At minsan natatakot tayo na ipush ang sarili natin na gawin ang dapat dahil natatakot tayo na malagpasan natin ang ating kakayanan. Iniisip natin na hanggang dito lang kaya natin kaya hanggang dito lang gagawin natin. Sabi nga nila ang tunay na kinatatakutan natin ay hindi kung ano ang hindi natin kayang gawin. Ang pinakakatakutan natin ay yung malagpasan natin ang ating kakayanan.
Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness that most frightens us. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? You are a child of God. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine, as children do. We were born to make manifest the glory of God that is within us. It's not just in some of us; it's in everyone. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others. by Marianne Williamson from her book, A Return To Love.
Tuesday, September 10, 2013
Wikang Filipino sa Tuwid na Landas
Noong nag-aaral pa `ko tandang-tanda ko pa
Ang magsalita ng Tagalog ay pinagmumulta
Ito'y `pinagbawal, ako'y nagtataka
Pag
nag-ingles naman ako, sila'y natatawa.
Unang
saknong sa awit ni heber na pinamagatang Paaralan. Totoo nga ban a bawal
magsalita ng Filipino noong araw. Na kung ikaw magsasalita ng Tagalog ikaw ay
magmumulta.
Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng
dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa
pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay
kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang
pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa
mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika.
Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat
Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong
alpabetong Pilipino.
Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang
pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang
Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay
halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit
natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.
Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay
naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga
estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang
wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o
dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng
mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang
klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang
bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine
Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa
kanila ng sarili nating wikang pambansa.
Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang
Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa
pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay
ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng
masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan
ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman
at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang
kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na
wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa
agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring
katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi
rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia,
at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa
wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang
intelektwalisado sa ngayon.
Ayon kay
Dr. Ernesto Constantino kilalang linguista (1996), ang wika ang siyang
pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento,
maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na
pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang
tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito.
Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na
napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng
tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga
pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento
ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil
dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang
ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.
Gayumpaman,
ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba't
ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang
wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang
paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika
ay nakapagpapalimbag ng iba't ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at
iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng
Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga
lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na
ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong
gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang
larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya,
negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub
domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura.
Kadalasang
sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa
pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na
ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng
Seksyon 6:
"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba
pang mga wika sa Pilipinas."
Subscribe to:
Posts (Atom)